Pakikiramay at Pagpupugay kay Kasamang Alexander Martin Remollino
ni Nina Joma at Julie Sison
3 Setyembre 2010
Kahit na nasa malayong lugar kami, naging malapit kami kay Ka Alex dahil sa aming madalas na lihaman at kooperasyon sa paggawa ng mga interview, mga poetry reading at pagpapalaganap ng mga pahayag at artikulo. Nagkakaisa kami sa diwa, damdamin at pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.
Maigsi ang buhay ni Ka Alex subalit makahulugan at mabunga. Ang mga ambag niya sa pakikibabaka mananatili at lalago sa pagsulong ng bagong demokratikong rebolusyon ng sambayanang Pilipino. Tularan natin ang maningning na halimbawa ni Ka Alex at ipagpatuloy ang ating pakikibaka!
Hango sa: http://www.josemariasison.org/?p=4692
*******************
Jesusa Bernardo Paalam, ka Alex. Sandali at bihira lang tayong nagkaniig sa Facebook nguni't matagal-tagal na kitang binabasa (at ni.rerepost) sa Bulatlat.
Hindi lahat ng paniniwala mo at punto de vista sa pagsusulat ay sinasangayunan ko, nguni't hanga ako sa iyong prinsipyo at pagmamahal sa ating inang bayan.
Kung mabubuhay ka mang muli, sa susunod sana ay magkasama tayo ng mas matagal at harapan.
****************
Sa alaala ni Alexander Martin S. Remollino (Agosto 6, 1977 – Setyembre 3, 2010)
ni Noel Sales Barcelona
Sa gabing maulan
at nagtatago ang buwan
sa mga alapaap
ay tutula ako ng tula ng dalamhati
subalit hindi ng pamamaalamsapagkat ang yapos at kilik
ng hanging malamig
na humahaplos sa mga talahib -
kagaya ng mga damo sa kaparangan
kung saan nasaksihan nila ang iyong kadakilaan
ay pagpapaalaalang hindi ka lumayo
bagkus, naririyan ka lamang....MORE
**************
Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.
No comments:
Post a Comment