Copyright, 2011
Dahil mukhang nagkulang ang mga Propagandista kabilang si Rizal sa pagbibigay halaga sa SINAUNANG PAMAYANANG PILIPINO, pati mga historyador natin ay hindi rin nagbigyan ng tamang paglalahad ang SIBILISASYON natin BAGO dumating ang mga mapuputlang mananakop.
Isang malalalim at malawak na paglalahad ng ating pinanggalingan at kung ano tayo bago dumating ang pstng Kastila. Mula sa panguhahing tagapagtaguyod ng Pantayong Pananaw, Bagong Kasaysayan.
Sa pagkabuo ng Bagong Kasaysayan (BAKAS) gamit ang Pantayong Pananaw (PP), pundamental na naiba ang pagkaunawa sa natawag ng mga Propagandista, alinsunod sa mga Kastila, na "panahon bago ang 1521"--i.e., ang sinaunang pamayanan ng kasaysayan ng Kapilipinuhan. Naging malawak ang pagtingin dito hindi lamang sa PAGPAPANAHON [1.e., 250,000 taon na ang nakalipas o 67,000 taon kung papagsisimulain lamang ito sa Taong Kalaw (ng malakatedral na unib callao sa Penablanca, Cagayan)... kundi gayundin sa LAWAK ng TERITORYO, kung ang pag-uusapan ay ang pinagmula ng kabihasnang Pilipino--i.e., ang paglaganap ng mga Austronesyano hanggang sa Madagaskar sa bandang Aprka at sa Rapa Nui (Ester Island) sa bandang Timog Amerika simula noong 4,000 B.K. o bago pa rito.
Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.
No comments:
Post a Comment