Saturday, November 27, 2010

Si Gat Andres Bonifacio at ang Pagbuo ng PagkaBANSA

Halaw mula sa "Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas," ng katangi-tanging istoryador, antropologo, teoriko at pangunahing tagasulong ng Pantayong Pananaw na si Zeus A. Salazar


Panimula

Ang kasaysayan ng Pilipinas ay mahahati sa tatlong panahon o bahagi -- ang Pamayanan (h-k. 500,000/250,00 BK – 1588 MK), Bayan (1588 -1913) at Bansa (1913 - kasalukuyan).

Ang PAMAYANAN ay binubuo ng limang kabanata at tumatalakay sa paglitaw ng sinaunangpamayanang Pilipino, mula sa pagsulpot ng unang tao (h-k. 500,000/250,000-7,000/5,000 BK) sa kapuluan -- magdaan sa 1) pagdating at pamamalagi sa Pilipinas ng mga Austronesyano (h-k.7,000/5,000 BK h-k. 800 BK...

Nakatuon naman ang limang kabanata ng BAYAN sa pagkabuo ng estadong pangkapuluan sa batayan ng paglawak ng estado o sambayanan ng Maynila na sasaklaw bilang “estadong kolonyal” sa malaking bahagi ng kapuluan (hanggang 1896), habang nananatiling palaban dito ang nalalabing mgaestadong etniko (sambayanan) ng Tausog, Magindanaw at Maranaw, kasama na ang iba pang
“malalayang” grupong etnolingguwistiko (kabayanan) na taal sa Pilipino...

Photo art: JB
Masasabing magsisimula sa panahong ito ang pagkabuo ng kapuluan sa batayan ng pinalawak na dalumat ng “bayan” na pagdating ng panahon ay magkakaroon ng anyong pangkapuluan saadhikaing Inang Bayan ni Bonifacio. Nakaugat pa ang prosesong ito sa panahong Austronesyano;samantalang ang paglaganap ng ideyang Europeo/kanluranin ng “nación” ay lilitaw lamang sa panahonng “Bayang Pilipino: Katutubo at Banyaga” (1807-1861), bagay na magbibigay-daan sa pagkakahati ng lipunan sa dalawang magkatunggaling kalinangan, kamalayan at puwersang sosyo-pulitikal at pangekonomiya-- ang taal na bayan at ang inangkat mula sa Kanluran na nación (1861-1913). Dulot nito, magkakaroon ng magkaibang direksyong ekonomiko-pulitikal at panlipunan ang bagong kabuuangsosyo-pulitikal ng Kapilipinuhan sa pagsapit ng ika-20ng dantaon.

Sa agos ng panahon, masasaksihan ang pamaya’t mayang pagtutuos ng mga ito -- i.e., ng mga komunidad na “lumad” at ng mga estadong Muslim laban sa Kastila [Dayagram IV] --kaalinsabay ang paglawak ng dalumat at reyalidad ng Bayan sa loob mismo ng sistemang kolonyal, tungo sa paglitaw rito ng dalawang modelo o proyekto ng pagbubo ng “Bansa” [Dayagram VI]. Ang una ay ang “Inang Bayan” na nakaugat sa tradisyon ng bayan. Binibigyang halaga nito ang kapatiran, damayan, pantay na karapatan at ganap na kasarinlan. Ito ang siyang layuning pinanghawakan at kinasandigan ni Bonifacio at ng mga Anak ng Bayan sa panahon ng Himagsikan. Ang pangalawang proyekto ay ang nación/nasyon ng mga akulturadong elit na bilang mga “Filipinos” ay nakahulma sa kulturang/sibilisasyong Europeo/Kanluranin [Dayagram V].

XXXX
BAYAN

Ang Ikalawang Yugto ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan (1588 – 1913)

Sa ikalawang yugto ng kasaysayan ng Kapilipinuhan -- ang panahon ng Bayan (1588-1913) -- ang Pamayanan, bilang watak-watak na mga kabayanan, ay tutungo sa pagkabuo bilang isang Bayan sa anyo ng estadong pangkapuluan. Sa simula (1588-1663), makakaharap ng Sinaunang Pamayanan ang isang krisis: ang pagtatagpo ng mga estadong bayan o sambayanan sa isang dako at, sa kabilang dako, ng itatatag ng banyaga na estadong kolonyal sa batayan ng dating estadongbayan ng Maynila.

Sa pagsapit ng 1896, puputok ang Himagsikang pangungunahan ng Bayan. Nanumbalik ang tiwala sa sariling kakayahan na gagarantiya ng ganap na kaginhawahan at kalayaan ng lahat; ngunit sa pamamagitan ng kudeta ng Tejeros ng 22 Marso-10 Mayo 1897, aagawin ng paksyong maka-nación ni Aguinaldo ang pamumuno sa Himagsikan na magiging Revolución ng mga elit/elitista. Pansamantalang mapagsasanib ang dalawang tradisyon ng Bayan at nación. Sa pagtatapos ng yugtong ito, magtatagumpay ang simulaing pulitikal ng nación matapos ideklara ng pangkating Aguinaldo ang “independencia” ng “Filipinas.” Naitatag samakatuwid ang estadong nasyonal na malayo’t papalayo nang papalayo sa mithiin ng Inang Bayan nina Bonifacio [Dayagram V, pah. 28].

XXXX


Filipinos at mga Anak ng Bayan (1892 - 1896)

Isang katangian ng mga ilustrado ang kanilang kanluraning edukasyon. Sina Jose, Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Juan Luna pati na rin si Emilio Aguinaldo ay iilan sa mga Pilipinong nakapag-aral sa Europa.

Isa sa mga dulot ng kanilang pag-aaral ay ang pagkamulat sa nasyonalismo at liberalismo. Bumuo sina Rizal, Lopez at del Pilar ng grupo na tinawag ng repormista o propagandista. Humingi sila ng mga reporma sa pamamalakad ng mga Kastila sa pamamagitan ng La Solidaridad. Isa sa mga hinihiling nila ay maging probinsya ng Espanya ang Pilipinas. Hindi pinakinggan ang kanilang mga daing. Hiningi nilang sunod ang kasarinlan ng Pilipinas. Ninais ng mga ilustrado na bumuo ng isang nacion na nakabatay sa mga konsepto ng bansa sa Europa. Muli hindi sila pinakinggan. Nakasalubong din ng mga problema ang propaganda. Natigil sa kanilang paglilimbag dahil kakulangan ng pondo. Nadakip din ang kanilang kasapi na si Rizal at pinatapon sa Dapitan. Sa mga pangyayaring ito, humina ang balakin ng nación.

Si Andres Bonifacio naman ang bumuo sa isang himagsikan ng mga mamamayan. Ipinanganak siya sa Tondo noong Nobyembre 1863. Sa tulong ng Katipunan, pinalaganap ni Bonifacio ang konsepto ng bayan. Ibang iba ito sa konsepto ng nación ng mga ilustrado. Ito ay nakabatay sa pagbuo ng/kay Inang Bayan at pagtatag ng Haring Bayan (estadong bayan) para sa buong kapuluan (Republika ng Katagalugan). Sinasabing ang Inang Bayan ang dapat panggalingan ng pagbubuo dahil sa kanyang sinapupunan lamang nagkakaroon ng tunay na kabuuan. Sa ilalim ng iisang Inang Bayan, nagkakaroon ng kapatiran ng mga ito. Ginamit ni Bonifacio ang metapora ng mag-anak bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga bayan sa buong kapuluan at noong Hulyo 6, 1892, itinatag niya ang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).


Ipinaglabang Nación at Inang Bayan (1896 - 1901)

Nagsimula ang rebolusyong Pilipino noong taong 1896. Noong Agosto 24, sinalakay ng mga Katipunero ang Maynila. Naging matagumpay sila sa simula. Ngunit hindi ito nagtagal. Mayroong tatlong pinapalagay na dahilan kung bakit natalo ang himagsikan. Ang unang dahilan ay ang pakadiskubre ni Gobernador Blanco sa planong pagsalakay. Ikalawa, ipinatapon ang 500 sundalo sa Mindanao. Ang huling dahilan ay ang hindi pagdating ng grupo ni Heneral Aguinaldo na dapat ay dumating mula Cavite.





Sa kabila ng kanilang hindi pagtatagumpay, ipinagpatuloy ni Bonifacio ang paglalaban. Hindi pinalampas ng mga Kastila ang mga pangyayari na hindi gumaganti. Maraming Pilipino ang nadakip. Isa na dito si Rizal. Pinatay siya sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre noong 1896. Habang lahat na ito ay nangyayari, naiisip ng mga kasapi ng puwersang mula sa Cavite, na hindi ang pamamalakad ni Bonifacio ang nais nilang sundin. Nais nilang lumikha ng estadong nakabatay sa ginamit na estado ng mga Kastila. Sa pagitan ng 22 Marso at 10 Mayo 1897, sa Tejeros, nawala ang estado ni Bonifacio (Haring Bayan/Republika ng Katagalugan). Pagkatapos agawin ang kapangyarihan noong 22 Marso 1897, inutos ni Aguinaldo na hulihin si Bonifacio at ipapatay ito dahil sa nakita niyang magiging balakid si Bonifacio sa kanyang mga plano. Sa Bundok Buntis pinaslang ang Supremo noong Mayo 10, 1897.

Nakipagkasunduan si Aguinaldo sa mga Kastila sa Pakto ng Biak-na-Bato. Kasama sa kasunduang ito ang pagpapatapon kina Aguinaldo sa Hongkong. Sumunod dito ang digmaang Amerikano at Kastila. Sa “pangako” ng konsul na Amerikano na kikilalanin di-umano ang kalayaan ng Pilipinas sa sandaling mapaalis ang mga Kastila, sumama si Aguinaldo sa mga puwersa ni Admiral Dewey sa pagsalakay nito sa Maynila. Inokupa ito ng Amerikano at dahil di tinupad nito ang “pangako,” sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano at nadakip si Aguinaldo sa kanyang pinagtaguan noong 1901.

XXXX

__________

Pinagkunan:

Salazar, Zeus A. Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas. Lungsod ng Quezon. 2004 Disyembre. http://www.google.com.ph/url?sa=t&source=web&cd=9&ved=0CFMQFjAI&url=http%3A%2F%2Fimages.bagongkasaysayan.multiply.multiplycontent.com%2Fattachment%2F0%2FRvJZtwoKCsQAABfjrrM1%2FZeus%2520Salazar%2520-%2520Balangkas%2520ng%2520Kasaysayan%25202004.pdf%3Fnmid%3D55581663&ei=nBfwTKeUHIGgvgPo1qiHDg&usg=AFQjCNFY-7Ih-iNxGvjWhtjgIoebyl9cyA&sig2=zVIiGiBQyP0ap9pEjukt9Q
 


Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Friday, November 26, 2010

Debunking the Outrageous Glenn May Thesis on Supremo Andres Bonifacio

 by Jesusa Bernardo
(Updated  27 November 2010)


PART of the outrageously mythical thesis of the dubitable historian character, Glenn Anthony May, is that the letters in the possession of scholar and prewar Philippine Library and Museum director Epifanio de los Santos were forgeries made in collusion with the latter. May based this on the supposedly wrong Tagalog language "focus" of the period the letters were written. May's thesis, for those still not in the know, alleges that practically everything known about Gat Andres Bonifacio y de Castro is baseless, with the documents upon which the views about the national hero are based being supposedly forgeries.

May, an American University of Oregon professor, had the gall to think that his working knowledge of Tagalog is good enough to make him understand the intricacies and variants of the dominant Philippine language AND cast aspersion on de los Santos. May's ridiculous allegation is based on how the alleged forger made the mistake of switching active and passive voices, supposedly thinking that pre-1917 correct Tagalog made use of the active voice.

Photo art: JB
According to Malcolm H. Churchill, May summarized his argument for this astonishing allegation by stating that the alleged forger in effect switched active and passive-voice," believing that "the correct voice for pre-1917 Tagalog is the active voice, whereas the Tagalog of the four Bonifacio letters is in the passive voice." Churchill is the author of the handout "Determining the Truth About Forged Documents in Writing the Story of Andres Bonifacio" that is part of the book Determining the Truth: The Story of Andres Bonifacio (Being Critiques of and Commentaries on Inventing a Hero, The Posthumous Re-Creation of Andres Bonifacio), published by the Manila Studies Association, Philippine National Historical Society, National Commission on Culture and the Arts (Philippines), and Committee on Historical Research.

This argument by May is belittled and dismissed by Churchill who believes the letters examined by May were copies of the original. He finds several problems with May's arguments and thesis as a whole. First, Churchill thinks it incredible that de los Santos, who "knew enough to correct the 'focus,'" would have allowed a pre-1917 forger not to do any such forgery right considering that the alleged counterfeiting happened in less than two decades after the death of Bonifacio.

Second, Churchill finds May's conclusion based on the assertion that the Tagalog original should have been in the active voice as disregarding the complexity and subjectivity of the translation process. Translators, after all, deal with the need to balance literal translation with the meaning of the original in their own differing ways.

Churchill also calls May's Tagalog "deficient," while "considerable for a non-native speaker." This deficient Tagalog is responsible for woeful error of judgment, as when May finds the fourth Bonifacio letters to be 'forged' when it is but natural for a Manila Tagalog speaker to mostly use the passive voice. As explained by Churchill:
The significance of Cavite/Batangas Tagalog usage is that it sometimes, but not always, results in a verb being in the active rather than the passive voice. If a Cavite speaker were to use the form "Nakain ako," "I am eating," for the Manila Tagalog usage "Kumakain ako," the tense remains unchanged, and a non-native speaker of Cavite Tagalog might find it "weird." If, on the other hand, a Batangas writer were to state "Nagsulat ako ng liham," "I wrote a letter," instead of the Manila Tagalog "Sinulat ko ang liham," "The letter was written by me," the "focus" has been shifted to "ako" from "liham" and the sentence in English translation has been transformed from passive to active.

Andres Bonifacio was from Tondo. He spoke Manila Tagalog. He used the passive voice. That the fourth Bonifacio letters that Prof. May examined use the passive voice proves nothing other than that Bonifacio was not from Batangas or Cavite!

In addition, Churchill thinks it is simply so illogical for de los Santos' family to have retained the letters all these decades if they were forgeries. If they were indeed crude forgeries as claimed by May, what the logical thing the de los Santoses could have done was discard them as they could not possibly stand the scrutiny of scholarly examination. Churchill makes another strong point here because, indeed, for the de los Santoses to retain those "forgeries" would only be inviting public humiliation.

Another thing that makes May's thesis highly questionable, if not implausible, is that his Bonifacio-related theses made overtime CONFLICT with each other. In 1991, May published a Pilipinas article arguing that documents about Bonifacio were inadequate to portray the Father of the Philippine Revolution, adding that historian Teodoro A. Agoncillo 'invented' Bonifacio. However, as Churchill points out, May, some four years later, would raise a 'forgery thesis' in which he claims that the forgeries done in collusion with de los Santos were made to "to present a more favorable view of Bonifacio than was justified, for the purpose (as May explicitly asserted) of sustaining the image of Bonifacio as a national hero."

Talk about changing theses. And hopping from an 'inventor' historian to a colluding 'forger' scholar allegation. For someone with a deficient Tagalog knowledge but who had the gall to linguistically scrutinize Philippine documents, doesn't Prof. May sound like an inventor-cum-forger and imperialist crackpot rolled in one?


De los Santos' View of Bonifacio

Perhaps another strong argument that proves the unsoundness of the astounding forgery claim of May is de los Santos' seeming partiality AGAINST Bonifacio, or at least with regards the Supremo's death. Hermenegildo Cruz, author of the book honoring Bonifacio and the KKK, "Kartilyang Makabayan," writes that de los Santos seemingly agrees with Jose Clemente Zulueta's opinion that the execution of Bonifacio was supposedly needed to "win the Revolution" [against Spain].

So why would a scholar who believes that the (power grab against and) killing of the Father of the Philippine Revolution  is justified even forge documents hailing the Supremo? The March-April 1897 letters and appointment paper in de los Santos' collection point out, among others, that Bonifacio was the first president of the revolutionary Katipunan government.

As quoted from historian Milagros Guerrero, these letters had the following titles and designations of Bonifacio:

     Pangulo ng Kataastaasang Kapulungan
    (President of the Supreme Council)

    Ang Kataastaasang Pangulo
    (The Supreme President)

    Pangulo nang Haring Bayang Katagalugan
    (President of the Sovereign Nation of Katagalugan)
    Note: "Bayan" means both "people" and "country"

    Ang Pangulo ng Haring Bayan May tayo nang K.K. Katipunan nang mga Anak ng
    Bayan, Unang nag galaw nang Panghihimagsik
    (The President Sovereign Nation Founder of the Katipunan,
    Initiator of the Revolution)

    Kataastaasang Panguluhan,Pamahalaang Panghihimagsik
    (Office of the Supreme President,Government of the Revolution)


May's Demolish-Bonifacio Intent

Photo art: JB

May's forgery thesis simply does not make sense at all. What seems to make sense, however, is that May seems bent on demolishing the towering stature of Bonifacio. As noted by Churchill himself, "Prof. May has a long-standing interest in Andres Bonifacio. However, this interest has to date manifested itself more in efforts to cast doubt upon existing knowledge than to expand our understanding of this revolutionary hero."

At the very least, it seems unprofessional for Glenn Anthony May, or for any historian for that matter, to be preoccupied with baselessly clouding a historical figure. Viewed from the larger context of continued American imperialist interest in the Philippines, is it possible that May is carrying out the American line of belittling Filipino figures they perceive to represent opposition to their interests or standards?

As Filipino-American author E. San Juan laments, "Witness how the figure of Andres Bonifacio has been attacked by American scholars eager to debunk the prestige of the hero...." May's attack on Bonifacio is nothing new. As early as the American colonial period, Bonifacio had been denigrated in the imperialist design to dispirit the Filipinos and completely subjugate their hearts and minds. As William J. Pomeroy writes:
The textbooks introduced in the new schools portrayed him [Bonifacio] as a terrorist and advocate of force and violence destructive of democracy. The Commission under Governor-General William Howard Taft projected instead, counter-figure Jose Rizal, the moderately nationalist writer and doctor who was a reformist and who had denounced the revolution of 1896 as its beginning.

Whatever it is that drives May's preoccupation with demolishing one of the two greatest, if not the greatest, national heroes of the Philippines, what is clear is the preposterous mediocrity, or stupendousness even, of his arguments. Perhaps, it was so ridiculous that as Lily S. Mendoza points out, "Pantayong Pananaw* scholars found no need to respond at all [as it would only] legitimize [May] as part of the national discourse."


Glenn May's Book a Reject

Not surprisingly, May's book, "Inventing a Hero: The Posthumous Re-Creation of Andres Bonifacio," which encapsulates his outrageous thesis, did not actually pass the stringent scholarly scrutiny of the Ateneo de Manila University Press (ADMU Press). The work was submitted to ADMU Press but was rejected by its reviewers that included noted historians Zeus A. Salazar and Milagros C. Guerrero. In a personal communication, Salazar told this author that for his part, he rejected May's book based on its failure to live up to the following criterion that he, along with his fellow co-members of BAKAS (Bahay Saliksikan ng Kasaysayan -- Bagong Kasaysayan), Inc., adheres to:
It is important that the work employed methodology and truthful/factual knowledge about the Philippines and its language(s) and culture(s) in the scholarship efforts of  foreigners and Filipinos alike.
Salazar also disclosed that after the Ateneo de Manila University Press' rejection of his book, May afterwards informed them that he will just look for another area of specialization. Dr. Salazar adds that, for a time, he and his historian colleagues actually already forgot all about Glenn May until they heard about the publication of the Inventing a Hero work by another publisher.

In fact, even with the publication of May's book, Pantayong Pananaw scholars did not bother to respond at all as they'd did not want to legitimize May as part of the national discourse. It was only when the issue broke out in a local tabloid that the Pantayong Pananaw scholars responded, not with the intent of rebutting the University of Oregon professor as they apparently did not deem his arguments worthy enough, but more to communicate with the Filipino people who were forced to look into the issue.


 Conclusion

That the ADMU Press and a noted group of nationalist Filipino scholars considered the book not worthy at all clearly shows the apparent--the lack of scholarly merit, if not outrageousness of  May's thesis. It should be noted that the ADMU Press is an auxilliary unit of the prestigious educational institution, the Ateneo de Manila,  and which "first made its mark producing high quality scholarly books on the Philippines in the humanities and social sciences and literary works in various Philippine languages."

ADMU Press has strove to publish only "significant works, in order to achieve its aim of genuinely contributing to scholarhip, research and education" and May's controversial work is clearly not in this list. Why should it be? Beyond being based on "shifting grounds," as noted by his fellow American professor Malcolm Churchill, May's thesis also involves use of unscholarly mediocre analysis, unapologetically deficient Tagalog, stupendous deception allegation/defamation against respected Filipino scholars, and simply preposterous arguments.

By the way, Glenn Anthony May first came out with an invented-Bonifacio thesis in 1991. He then greatly modified it, coming up with a Bonifacio-made-favorable-as-national-hero thesis five years later, or in 1995. His astonishing book was published the following year, 1996, which was the centennial of the Philippine Revolution led by the Supremo. Doesn't it sound like a most apropos anti-Bonifacio demolition job? Or at least, a mediocre foreign scholar's irresponsible attempt to invent controversies and cash in on the popularity and timeliness of a towering Filipino historical figure?


*Pantayong Pananaw, a particular historical perspective used by certain Philippine historians, is marked by the insistence on writing historiographic or scientific discourse  in the native language and the inclusion of  the use of unconventional sources that are untainted by any foreign biases.

__________


References:

The Ateneo de Manila University Press. http://www.ateneopress.org/about.asp
Churchill, Malcolm H. "Determining the Truth About Forged Documents in Writing the Story of Andres Bonifacio." In http://bonifaciopapers.blogspot.com/2005/09/churchill-malcolm-h.html

Cruz, Hermenegildo. Kartilyang Makabayan. Lupong Tagaganap" ng ARAW NI BONIFACIO, 1933. Project Gutenberg EBook #148822, January 28, 2005.
http://www.gutenberg.org/files/14822/14822-h/14822-h.htm

Guerrero, Milagros C., Emmanuel N. Encarnacion, & Ramon N. Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. 16 July 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

Mendoza, S. Lily. Between the Homeland and the Diaspora: The Politics of Theorizing Filipino and Filipino American Identities; A Second Look at the Poststructuralism-Indigenization Debates. Nueva York at London: Routledge, 2002, Binagong Edisyon, Maynila: Palimbagan ng Unibersidad ng Sto. Tomas, 2006, pp. 90-109. In  http://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/15/S._LILY_MENDOZA_Theoretical_Advances_in_the_Discourse_of_Indigenization_A_Summary_of_Pantayong_Pananaw

Pantayong Pananaw. WikiPilipinas. http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Pantayong_pananaw
San Juan, E.  After Postcolonialism. Latham, MD: Rowman and Littlefield, 2000. In http://philcsc.wordpress.com/2008/09/06/carlos-bulosan-between-imperial-terror-and-worker-peasant-revolution/


Original Photo credit:

Diosdado Capino. http://komiklopedia.wordpress.com/2008/03/20/philippine-literary-series/andresbonifacio1/


Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Sunday, November 21, 2010

Si Gat Andres Bonifacio sa Pananaw ni Joma Sison at ng KM

I. TALUMPATI SA PAGTATATAG NG KABATAANG MAKABAYAN
x x x Itinuturo ng katwiran ang tayo'y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo ng katwiran ang tayo'y maglakas na maihapag ang naghaharing kasamaan sa ating bayan.

Panahon na ngayon x x x dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon ay panahong dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga Pilipino ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan x x x

Kaya, mga kababayan, ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang tinubuan.
-- Andres Bonifacio



WALA nang maaaring piliing ibang araw na mas aangkop kaysa araw na ito para itatag ang Kabataang Makabayan. Ngayon ang ika-101 kaarawan ni Andres Bonifacio, isang dakilang bayani mula sa proletaryado, na noong kasagsagan ng kanyang kabataan ay namuno sa lihim na samahan ng Katipunan at nagmobilisa sa mga makabayang pwersa na nagbunsod ng rebolusyong Pilipino ng 1896 -- ang rebolusyong dumurog sa kolonyalismong Espanyol sa buong kapuluan.

Si Andres Bonifacio ang disiplinadong aktibistang rebolusyonaryo na naghanap at nakatuklas sa rebolusyon bilang tanging proseso na makakapagbigay ng ganap na ekspresyon sa mga adhikaing pambansa't panlipunan ng ating bayan na matagal nang sinupil ng isang dayuhang kapangyarihan na pinaganda ng malambot at paiwas na mga termino ng mga repormistang liberal.

Si Andres Bonifacio ang matatag na lider na hindi lamang nabigyang inspirasyon ng mga pag-iisip at pormulasyon ng Kilusang Propaganda kundi handa ring kumilos kasama ng sambayanan sa armadong pakikibaka laban sa tiranya sa sandaling bumangga sa puting pader ng kawalang pag-asa.

Sa gayon, si Andres Bonifacio sa ngayon ang modelo ng rebolusyonaryong militansya ng mga kabataang Pilipino at ng mga tagapagtaguyod ng pambansang demokrasya. Ang kanyang rebolusyonaryong katapangan ang ating sulo. Kung magtatagumpay ang Kabataang Makabayan sa makabayang misyon nito, ang isang importanteng rekisitong kailangang matutugunan nito ay ang pagtataglay ng rebolusyonaryong katapangan ni Andres Bonifacio, ang katapangang nagbibigay buhay at lakas sa mga prinsipyong atin ngayong itinataguyod sa kapanahunang ito.

Ginugunita natin si Andres Bonifacio hindi lamang dahil nagkataong nagkita tayo sa araw na ito, kundi higit pa dahil naiintindihan natin ang patuloy na makasaysayang kabuluhan niya sa ating kasalukuyang kalagayan. Nakikita natin ang namumunong papel ng kanyang uri sa panahong ito na ang ating pambansang pagsisikap sa saligang industriyalisasyon at pagbabagsak sa pyudalismo ay laging binibigo ng imperyalismong US at kasabwat nitong lokal na mga reaksyunaryo.

Kung matatandaan natin, matapos mamatay si Andres Bonifacio, ang rebolusyonaryong inisyatiba ng mga magsasaka at manggagawa sa Katipunan at ang pakikibakang anti-kolonyal sa pangkalahatan ay pinaghina at sinira ng mga pakikipagkasundong liberal ng lideratong ilustrado. Sunud-sunod ang mga pakikipagkasundo: ang Kasunduang Biak-na-Bato, ang pagtitiwala ni Aguinaldo sa mga kumpidanteng Amerikano sa Hongkong, ang burges-panginoong maylupang kumontrol sa Kongreso sa Malolos, at ang ultimong pagsuko ng mga ilustrado at pakikipagkolaboreyt sa imperyalistang rehimeng US.

x x x Ang obhetibong kalagayan sa bansa at daigdig ay pumapabor sa pambansa-demokratikong kilusan ng kabataang Pilipino. Napapanahon nang iwagaygay at itaguyod ng kabataang Pilipino ang pulang bandila ni Andres Bonifacio at ng Katipunan, na may bagong sagisag ng alyansa ng manggagawa-magsasaka.

_______


Photo credit:

Jose Maria Sison (original photo of painting of him)

Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Saturday, November 20, 2010

Ang Abaniko ni Gat Andres Bonifacio

ni Jesusa Bernardo


MAY apat na kapatid si Andres Bonifacio y de Castro, ang "Ama ng Himagsikan" at Supremo ng  Kagalanggalangang Katipunan  nang  manga Anak nang  Bayan (ang lihim na samahang itinatag upang palayain ang Pilipinas/Taga-Ilog mula sa Espana). Ito ay sina Ciriaco, Procopio, Petrona* at Troadio. Nang sila ay naulilang lubos sa mga magulang, si Gat Andres ang panungahing umako ng tungkuling buhayin ang pamilya.

Ayon kay G. Hermenegildo Cruz, may akda ng "Kartilyang Makabayan," kumilos nang husto ang batang si Andres para sa kanyang pamilya.


Upang siya'y mabuhay at sampu n~g kanyang m~ga kapatid, binatak ang sariling buto't siya'y nagbili n~g m~ga tungkod (baston) at m~ga pamaypay na papel na ginagawa niya sa loob n~g kanilang bahay....

Narito ang isang tulang sinulat ni Supremo Bonifacio patungkol sa kanyang naging paninda--ang abaniko o pamaypay. Ginawa sa wikang Kastilang, ang maikling tula na ito ay pinamagatang "Mi Abanico" (Ang Aking Abaniko).


      MI ABANICO 
      ni Gat Andres Bonifacio

Del sol nos molesta mucho el resplandor,
Comprar un abanico de quita el sol;
Aqui sortijas traigo de gran valor,
De lo bueno acaba de lo major,
De lo major.

El abanico servi sabeis para que?
Para cubrir el rostro de una mujer,
Y con disimulo podreis mirara,
Por entre las rajillas del abanico
Vereis la mar.


Nota: Ayon kay G. Cruz ang pangalang "Petrona" subali't maraming batis ang nagsasabing ang pangalan ng kapatid niyang babae ay "ESPERIDIONA."




_________


Mga Sanggunian/Pinagkunan:

http://www.oocities.com/valkyrie47no/abanico.htm

Cruz, Hermenegildo. Kartilyang Makabayan. Lupong Tagaganap" ng ARAW NI BONIFACIO, 1933. Project Gutenberg EBook #148822, January 28, 2005.
http://www.gutenberg.org/files/14822/14822-h/14822-h.htm


Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Friday, November 19, 2010

"Tapunan ng Lingap" ni Gat Andres Bonifacio



(Isa sa mga makabayang tulang nilikha ni Gat Andres Bonifacio y de Castro, ang Supremo ng Kagalanggalangang Katipunan  nang  manga Anak nang  Bayan (KKK),  ang lihim na samahang itinatag upang palayain ang Pilipinas/Taga-Ilog mula sa tanikalang pananakop ng mga Kastila)

"TAPUNAN NG LINGAP"
      ni Gat Andres Bonifacio


Sumandaling dinggin itong karaingan
Nagsisipag-inot magbangon ng bayan,
Malaong panahon na nahahandusay
Sa madlang pahirap sa Kastilang lalang.

Nangasaan ngayon, mga ginigiliw,
Ang tapang at dangal na dapat gugulin?
Sa isang matuwid na kilala natin
Ay huwag ang gawang pagtataksil.

At ating lisanin ang dating ugali
Na ikinasira ng taas ng uri,
Ang bayang Tagalog ay may asa dili
Ang puring nilupig ng bakang maputi.

Aanhin ang yama’t mga kapurihang
Tanawin ng tao at wikang mainam
King mananatili ina nating Bayan
Sa Kastilang ganid, Kastilang sungayan?

Kaya nga halina, mga kaibigan,
Kami ay tulungang ibangon sa hukay
Ang inang nabulid sa kapighatian
Nang upang magkamit ng kaligayahan.

Mga kapatid ko’y iwaksi ang sindak
Sa mga balita ng Kastilang uslak;
Ugali ng isang sa tapang ay salat
Na kahit sa bibig tayo’y ginugulat.

At huwag matakot sa pakikibaka
Sa lahing berdugo na lahing Espanya;
Nangaririto na para mangga-gaga,
Ang ating sarili ibig pang makuha.

Sa Diyos manalig at huwag pahimok
Sa kaaway natin na may loob hayop,
Walang ginagawa kundi ang manakot
At viva nang viva’y sila rin ang ubos.

Ay! Ang lingap mo po, nanunungong langit,
Diyos na poon ko’y huwag ipagkait
Sa mga anak mong napatatangkilik
Nang huwag lumbagos sa masamang hilig.
Kupkupin mo nama’t ituro ang landas
Ng katahimikan at magandang palad;
Sa pakikibaka’y tapunan ng lingap,
Kaluluwa naming nang di mapahamak.
________


Pinagkunan:

http://www.oocities.com/valkyrie47no/abanico.htm

http://emilyap08.multiply.com/journal/item/19/Mga_Tula_ni_Gat_Andres_Bonifacio_Poems_

http://tagalog-translator.blogspot.com/2008/05/tapunan-ng-lingap-tagalog-poem-of.html



Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Wednesday, November 17, 2010

Ang Palatuntunan ng Katipunan

(halaw mula sa "Kartilyang Makabayan" ni Hermenegildo Cruz)




Dakila ang pakay ng "Katipunan"

"Sa pagkakailangan na ang lahat na nag-iibig pumasok sa katipunang itó, ay magkaroon ng lubós na pananalig at kaisipán sa mga layong tinutungo at mga kaaralang pinaiiral, ay minarapat na ipakilala sa kanilá ang mga bagay na itó, at ng bukas makalawa'y huwag silang magsisi at tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang mga tutungkulin."

"Ang kabagayang pinaguusig ng Katipunang itó ay lubós na dakila at mahalagá; papag-isahín ang loob at kaisipán ng lahat ng tagalog. (Sa salitang "tagalog", katutura'y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang itó; sa makatwid, "bisaya" man, "iloko" man, "kapangpangan" man atb., ay "tagalog" din.")

"Alang-alang sa mga pagkukurong itó, kami'y payapang naghihintay nga pagwawagi ng damdaming makabayan ngayon at sa hinaharáp, sa pamagitan ng isang mahigpit na panunumpa, upang sa pagkakaisáng ito'y magkalakás na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landás ng Katwiran at Kaliwanagan."


Una sa lahat ang pagibig sa bayan

"Dito'y isá sa mga kauna-unahang utos, ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubós na pagdadamayan ng isa't isá."


Pantaypantay ang lahat

"Maralita, mayaman, mangmang, marunong, lahat dito'y magkakapantáy at tunay na magkakapatid."


Ang buhalhal na kaugalian

"Kapagkarakang mapasok dito ang sino man, tatalikdang pilit, ang buhalhál na kaugalian at paiilalim sa kapangyarihan ng mga banál na utos ng Katipunan."

"Ang gawang lahat na laban sa kamahalan at kalinisan, dito'y kinasusuklaman; kaya't sa bagay na ito'y ipinaiilalim sa masigasig na pakikibalita ang kabuhayan ng sino mang nag-iibig makianib sa Katipunang itó."


Hindi tinatanggap ang mga taksil

"Kung ang hangad ng papasok dito'y ang tumalastás lamang ng mga kalihiman nitó, o ang kilalanin ang mga naririto't ng maipagbili sa isang dakot na salapi, huwag magpatuloy, sapagka't dito'y bantaín lamang ay talastás na ng makapál na nakikiramdám sa kaniyá, at karakarakang nilalapatan ng mabisang gamot, na laán sa mga sukaban."


Ayaw sa mga mabunganga

"Dito'y gawa ang hinahanap at gawa ang tinitingnán; kaya't hindi dapat pumasok ang di makagagawa, kahi't magaling magsalita."


Hindi kaginhawahan kungdi kahirapan at mabibigat na tungkulin

"Ipinauunawa rin, na ang mga katungkulang ginaganap ng lahat ng napapasok sa Katipunang itó, ay lubhang mabibigát, lalong-lalo na kung gugunitaín na di mangyayaring maiwasan at walang kusang pagkukulang na di aabutin ng kakilakilabot na kaparusahán."

"Kung ang hangad ng papasok dito, ang siya'y abuluyan ng ginhawa't malayaw na katahimikan ng katawan, huwag magpatuloy, sapagka't mabigát na mga katungkulan ang matatagpuan, gaya ng pagtatangkilik sa mga naaapi at madaluhong ng paguusig sa lahat ng kasamaan; sa bagay na itó ay aabutin ang maligalig na pamumuhay."

"Di kaila sa kangino pa mán ang mga nagbalang kapahamakán sa mga tagalog na nakaiisip nitong mga banál na kabagayan (at hindi man), at mga pahirap na ibinibigay ng naghaharing kalupitán, kalikuan at kasamaán."


Ang halaga ng "kuota"

"Talastás din naman ng lahat ang pagkakailangan ng salapi, na sa ngayo'y isá sa mga unang lakás na maaasahan; magbibigáy buhay sa lahát; sa bagay na itó, kinakailangan ang lubos na pagtupád sa mga pagbabayaran; piso sa pagpasok at sa buwan-buwan ay sikapat. Ang salaping itó'y ipinagbibigay alam ng nag-iingat sa tuwing kapanahunan, bukód pa sa mapagsisiyasat ng sino man, kailan ma't ibigin. Di makikilos ang salaping ito, kung di pagkayarian ng karamihan."


Ipagtangkilik ang kagalingan

"Ang lahát ng pinagsaysay ay dapat gunitain at mahinahong pagbulaybulayin, sapagka't di magaganáp at di matitiis ng walang tunay na pag-ibig sa tinubuang lupa ang tunay na adhikaing ipagtangkilik ang Kagalingan."

"At ng lalong mapagtimbáng ng sariling isip at kabaitan."


*Kalatas:
Ang simbolong "~" ay inalis mula sa orihinal

 _________


Pinagkunan:

Cruz, Hermenegildo. Kartilyang Makabayan. Lupong Tagaganap" ng ARAW NI BONIFACIO, 1933. Project Gutenberg EBook #148822, January 28, 2005.
http://www.gutenberg.org/files/14822/14822-h/14822-h.htm


Larawan ay mula:

http://komiklopedia.wordpress.com/2008/03/20/philippine-literary-series/andresbonifacio1/


Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Tuesday, November 16, 2010

Rizal, Bonifacio, at ang "Pahimakas" ("Mi Ultimo Adios")

by Jesusa Bernardo


PATRIOT Jose P.  Rizal inspired nationalist Gat Andres Bonifacio y de Castro and the rest of the Filipino/Taga-ilog revolutionaries. Despite the fact that Rizal in the end disowned the revolution, his writings, particularly El Filibusterismo and Noli Me Tangere, formed an invaluable inspiration that helped allow or allowed the Supremo to push for the Philippine Revolution against colonial Spain.




We credit and laud Gat Rizal for crystallizing and popularizing the idea of independence and although he did shun it ultimately, it was only because he wanted the revolution to occur under ideal circumstances which he believed was best for the people.

We credit and laud Supremo Bonifacio for organizing and strengthening under very difficult colonial circumstances the Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), that noble society that aimed to liberate the country from the yoke of Spanish colonization.

Rizal provided a great inspiration for a nationwide assertion of independence. Bonifacio gave national life and force to Rizal's "filibuster" Elias character. Gat Rizal was being prudent disowning the Philippine Revolution of 1896. Supremo Bonifacio had the incredible historical foresight to push through with it despite initial lack of arms.

Imagine if the Bonifacio did not do what he did? No Philippine Revolution. The imperialist United States could then have all the right to call us "insurectos" & colonized. No claim to a Filipino-American WAR  (instead of "insurrection" as imperialist North America used to claim) . There would not even be a "President Emilio F. Aguinaldo," no matter that the hero-murderer grabbed power from, and  had the Supremo executed.

Wala sana tayong maipagmamalaking pagkabansa patungkol sa ika-19 na siglo. Kahit na nagapi tayo, naipagmamalaki pa rin natin na isa na tayong bansa na lumaban sa mga mananakop na Kalbong Agila.

The following is the Tagalog translation of Gat Rizal's "Mi Ultimo Adios" ("Last Farewell"), translated no less by Supremo Bonifacio. Written on the eve of Rizal's execution under the hands of the cruel, unjust Spanish colonizers, Mi Ultimo Adios (originally untitled) is considered by some to be his last will and testament to the country. That the Supremo of the Philippine Revolution translated the poem, despite Rizal's opposition to the Himagsikan ng 1896 is proof of Bonifacio's high respect for the inspiration of his independentist ideas and struggle.

Ang "Pahimakas," na salin ni Gat Bonifacio ng Mi Ultimo Adios ni Gat Rizal:


PAHIMAKAS NI DR. JOSE RIZAL
(salin sa wikang Tagalog ni Gat Andres Bonifacio)


Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
lupang iniirog n~g sikat n~g araw,
mutiang mahalaga sa dagat Silan~gan,
kalualhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging marin~gal man at labis alindog
sa kagalin~gan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay n~g iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.

Saan man mautas ay di kailan~gan,
cípres ó laurel, lirio ma'y patun~gan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling n~g Bayan.

Ako'y mamatay, n~gayong namamalas
na sa silan~ganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod n~g luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailan~gan
na maitim sa iyong liway-way,
dugo ko'y isabog at siyang ikinang
n~g kislap n~g iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip
n~g kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip
sa dagat Silan~gan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakás kunot n~g kapighatian
gabahid man dun~gis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayang ko ang laging gunita
manin~gas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyaw n~g diwa
pag hin~gang papanaw n~gayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
ako'y malugmok, at ikaw ay matanghal,
hinin~ga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalan~gitan.

Kung sa libin~gang ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa man~ga labi mo'y mangyaring ílapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig n~g lupa n~g aking libin~gan,
ang init n~g iyong pag hin~gang dalisay
at simoy n~g iyong pag giliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlám at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at han~ging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong
sa cruz ko'y dumapo kahi't isang ibon
doon ay bayan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang nin~gas n~g sikat n~g araw
ula'y pasin~gawin noong kainitan,
magbalik sa lan~git n~g boong dalisay
kalakip n~g aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliw
tan~gisang maagang sa buhay pagkitil:
kung tungkol sa akin ay may manalan~gin
idalan~gin Báyan yaring pagka himbing.

Idalan~ging lahat yaong nan~gamatay,
nan~gagtiis hirap na walang kapantay;
m~ga iná naming walang kapalaran
na inahihibik ay kapighatian.

Ang m~ga bao't pinapan~gulila,
ang m~ga bilangong nagsisipag dusa:
dalan~ginin namang kanilang mákita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libin~gan't,
tan~ging m~ga patay ang nan~gag lalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga'y huwag gambalain:
kaipala'y marin~gig doon ang taginting,
tunog n~g gitara't salterio'y mag saliw,
ako. Báyan, yao't, kita'y aawitin.

Kung ang libin~gan ko'y limót na n~g lahat
at wala n~g kruz at batóng mábakas,
bayang lina~gin n~g taong masipag,
lupa'y asarolin at kanyang ikalat.

At m~ga buto ko ay bago matunaw
máowi sa wala at kusang maparam,
alabók n~g iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magka gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang pan~ganorin
m~ga lansan~gan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunóg ako sa din~gig mo,
ilaw, m~ga kulay, masamyong paban~gó,
ang úgong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay n~g pananalig ko..

Báyang iniirog, sákit niyaring hirap,
Katagalugang kong pinakaliliyag,
dingin mo ang aking pagpapahimakas:
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutun~go sa walang busabos,
walang umiinis at verdugong hayop:
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo'y haring lubos.

Paalam, magulang at m~ga kapatid
kapilas n~g aking kaluluwa't dibdib
m~ga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag pasalamatan at napahin~ga rin,
paalam estran~gerang kasuyo ko't aliw.
paalam sa inyo m~ga ginigiliw:
¡mamatay ay siyang pagkagupiling!
_________


References:

Cruz, Hermenegildo. Kartilyang Makabayan. Lupong Tagaganap" ng ARAW NI BONIFACIO, 1933. Project Gutenberg EBook #148822, January 28, 2005.
http://www.gutenberg.org/files/14822/14822-h/14822-h.htm

Guerrero, Milagros C., Emmanuel N. Encarnacion, & Ramon N. Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. 16 July 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13



Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Wednesday, November 3, 2010

The Katipunan Founding Speech of Andres Bonifacio

by Jesusa Bernardo


The Katipunan was founded following the arrest of patriot and polymath Jose P. Rizal on July 6, 1892. The development made clear to members of the illustrado-initiated, civic society La Liga Filipina, which Rizal established three days earlier, that the colonial Spanish authorities are out to suppress any organization that is openly pro-Filipino.

Reacting with combined grief and patriotic anger over Rizal's arrest, Andres Bonifacio invited  Deodato Arellano, Briccio Pantás, Teodoro Plata, Valentin Díaz, Ladislaw Diwà and José Dizon to a meeting on July 6 or 7, which brought forth the founding of the Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).  The Katipunan was a secret society that aspired to unite the country and to gain independence from the Spaniards through the force of revolution.

How Bonifacio, who would still work with the La Liga until its disbandment, even becoming its chief of propaganda owing to his effective personality and communications skills, initiated and powered the Philippine Revolution is perhaps well seen in his speech on that fateful day of the KKK founding. The speech Bonifacio delivered so convinced his co-founders to establish the revolutionary organization, as follows:
"Mga Capatid:"

"Tayo'y di mg?a pantás, caya hindî mariringal na talumpatî at dî maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawâ natin daanin: ang catubusa'y hindî nacucuha sa salita ó sa sulat; kinácamtan sa pagsasabog ng dugô."

"Talastas na ninyo ang calupitáng guinawâ sa ating capatid na si Dr. Rizal, iya'y maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo macaliligtas sa caalipnan cung dî daraanin sa pakikibaca."

"¡Sucat na ang pagpapacababà! ¡Sucat na na ang pangangatuwiran! ¡Nangatuwiran si Rizal ay hinuli pagcatapos na mapag-usig ang mg?a magulang, capatid, kinamag-anacan at cacampí!"

"¡Sucat na! Papagsalitain natin naman ang sandata! ¿Na tayo'y pag-uusiguin, mabibilango, ipatatapon, papatayin? Hindî dapat nating ipanglumó ang lahat ng? ito, mabuti pa ng?a ang tayo'y mamatay cay sa manatili sa pagcabusabos."

"At ng maganap natin ang dakilang cadahilanan ng pagpupulong nating ito'y ating maitayô ang isáng malacás, matibay at macapangyarihang catipunan ng? mg?a anác ng? Bayan."

"¡Mabuhay ang Filipinas!!!"
Perhaps, the impact of the speech and  the speaker was so patriotically moving such that sans any reservations, the gentlemen present agreed to form the Katipunan, envisioned to be a powerful and strong society of the children of the land.


The Katipunan would later form its Supreme Council, with the following set of officers:

    * Deodato Arellano, Supreme President
    * Andrés Bonifacio, comptroller
    * Ladislao Diwa, fiscal
    * Teodoro Plata, secretary
    * Valentín Díaz, treasurer

Bonifacio would not become Katipunan Supremo until January 1895. On August 30, 1896, following the discovery of its existence by the Spaniards, Bonifacio and fellow Katipuneros elected to launch the Revolution in what would be known as the First Cry, transforming the underground society into a revolutionary government body. By that time, KKK membership has ballooned to tens, if not, hundreds of thousands.

The Philippines/Katagalugan has become a nation willing to claim its independence and sovereignty.Salamat kay Gat Andres Bonifacio na ang diwang at wikang mapaghimagsik ay nagtulak sa bayan na ipaglaban ang kalayaan.

___________


References:

Agoncillo, Teodoro C. (1990). History of the Filipino People (8th ed.). Quezon City: Garotech Publishing. ISBN 971-8711-06-6

James Alfred LeRoy. The Americans in the Philippines: a history of the conquest and first years of occupation, with an introductory account of the Spanish rule, Volume 1. Houghton Mifflin Col, 1914

Milagros C. Guerrero, Emmanuel N. Encarnacion, & Ramon N. Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. 16 July 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

Pascual H. Poblete. Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal. Project Gutenberg, 2006. http://www.gutenberg.org/files/18282/18282-h/18282-h.htm

Reyes, Isabelo de los (1899) (in Spanish). La Sensacional memoria sobre la revolución filipina. Madrid: Tip. lit. de J. Corrales

Ricarte, Artemio. The Hispano-Philippine Revolution. Yokohama  This book was published by Ricarte himself, includes his memoirs on the Philippine Revolution.



Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Recent Posts

total pageviews since july 2010