Monday, June 6, 2011

Ang Pagpaslang kay Hen. Antonio Luna y Novicio

5 JUNE 1899 - Gen. Antonio Luna y Novicio, Commanding General of the Philippine Army fighting the invading imperialist Bald Eagle forces during the Filipino-American War (1899-1914), is dastardly assassinated by bodyguards of President Emilio Aguinaldo y Famy at the stairs of the convent of Cabanatuan in the province of Nueva Ecija; the guilt for the murders (Luna's aide-de-camp, Col. Paco Roman, has been also killed) would be widely ascribed to Aguinaldo.

June 14, 1899, four months after the imperialist United States instigated the Philippine-American War (on orders of  William Mckinley's military, the New York Times rather belatedly reports about the death of Gen. Antonio Luna y Novicio:

MANILA, June 13. -- Information, believed to be reliable, has reached here of the assassination of Gen. Luna and his aide-de-camp, Lieut. Pasco Ramon, June 8, by Aguinaldo's guard at the headquarters of Aguinaldo. Luna and Ramon, it appears, went to the Filipino headquarters to confer with Aguinaldo, got into an altercation with the Captain of the guard, and one of them drew a revolver...

Ayon kay Tony Donato, isang artist at dating mananaliksik ng National Historical Commission of the Philippines:
Hunyo 4, 1899 nang anyayahan ni Aquinaldo si Del Pilar na makipagkita sa kaniya sa San Isidro, Nueva Ecija upang ipaalam at ibigay ang isang napalaki at sikretong misyon. Si Antonio Luna na kung tanghalin ng Gringo'y "the Filipino military geinus", matalinong Ilustrado, kinakaingitan, mainitin ang ulo, walang respeto at pitagan kay Aquinaldo, isang Ilocano (siya ay pinaganak sa Binundok) na hindi makasundo ni Aquinaldo pati ng mga Caviteno niyang kababayan. Dahilan sa kawalan ng pitagan at paglabag ni Luna sa mga kautusan ni El Presidente, sinakdal si Heneral Luna sa salang sidisyon at dapat na patayin.

Col. Francisco "Paco" Roman              -              Gen. Antonio Luna              -              Gen. Emilio Aguinaldo

Pinadalhan ng telegrama si Luna, na nagmula kay Aquinaldo upang ang dalawa ay magkita sa Bayambang. Ito'y pawang panlilinlang ng Presidente na hindi dadalo, at kay Luna na haharap ay si Del Pilar na ang misyong ibinigay ni Aquinaldo, patayin ang Heneral. Nang dumating si Heneral Antonio Luna sa Bayambang, sa hagdanan ay nagmamadaling umakyat, na salubong ang isang tanod na hindi siya pinansin at sinaluduhan. Ang disiplinariyong Heneral ay sumigaw
"...Cimverguensa!!! wala bang nagturo sa iyo na sumaludo sa nakakataas sa iyo?"

Ang tanod ay kaniyang nilapitan at ito'y sinampal. Ang sumunod naman niyang na kaharap ay ang matagal na niyang kaaway na si Felipe Buencamino at Pedrong Kastila na batid ng dalawa ang misyong utos na pag paslang sa Heneral. Naginit lalo ang ulo ni Luna ng mabatid nito na wala naman ang Presidente sa Bayambang at nag sambit

"...Puneta, nangaling pa ako ng malayo at wala palang mangyayari!!!"

Muling nagkaroon ng alitan ang dalawa, sanhi ng galit ni Buencamino kay Luna sa dahilang pag sampal sa kaniya sa harapan ng madla sa isa sa kanilang matagal nang alitan, 'di na ni Buencamino hinintay ang misyon ni Del Pilar at siya na mismo ang nagsagawa sa pagpaslang sa magiting na Heneral Antonio Luna. Ang Heneral ay pinagbabaril, tinaga naman ni Pedrong Kastila ng bolo sa ulo at mukha at ang ibang mga tanod at kawal naman'y siya 'y pinagsasaksak. Sugat sugatan ang Heneral subalit ito'y nakalabas pa sa lansangan at naka pagpaputok ng kaniyang baril

"...Mga traydor, mga duwag!!!"

at doon sa lansangan binawian ng buhay ang magiting na Heneral Luna. Sa kalayuan ng San Isidro sa Bayambang si Heneral Luna ay patay na, bago nakarating si Del Pilar. Mula noon lalong naging malapit ang Presidente sa kaniyang paboritong Heneral Del Pilar, sila'y magkatalikod na nagmamasid, nagagamba lalo't-lalo na sa mga Ilokanong rebulusyonaryo na baka ipaghiganti ang kanilang pinaslang na Heneral Luna.

Ayon naman kay Julio Nakpil, naging isang pinunong militar noong panahon ng Himagsikan at kaibigan ni Supremo Andres Bonifacio y de Castro na inagawan ng kapangyarihang panghimagsikan at naunang pinapatay bilang parusa daw ng  militar na hukom nii Aguinaldo:
When General A. Luna was dastardly assassinated on the stairs of the Convent of Kabanatuan and already fallen on the ground, the mother of Emilio Aguinaldo looked out the window and asked: "Ano, humihinga pa ba?" (Is he still breathing?)
The Spanish soldier-prisoners who witnessed this iniquitous assassination said: "We admired the valor and intrepidity of General Luna who, tormented with shots and already fallen to the ground, could still shout: "Cowardly Cavitenios !"

Mahahalagang detalye ng pagkakapatay kay Luna at Roman ang nakalahat sa internet na libro ni Arnaldo Dumimdim, isang mananaliksik at manunulat sa kasaysayan:
[Felipe] Buencamino emptied Luna's pockets and took the telegram that Luna had received.

The following day, Luna was buried with military honors but the assassins went free.

After Luna's death, Aguinaldo ordered all chiefs of brigades under Luna arrested.

Some were killed like Major Manuel Bernal who was tortured first and his brother Captain Jose Bernal  (LEFT) who was released but was later assassinated at Candaba, Pampanga Province, on June 16, 1899.

Aguinaldo also ordered the disarming of two companies suspected of being pro-Luna.

Ilang taon makaraan ang krimen, ipinagkaila ni Aguinaldo na may kinalaman siya sa pagkakapaslang nila Luna at Roman.  Nagbigay ito ng argumento upang subukang palabasin na wala siyang kinalaman dito: 
Years later, when asked about his role in the death of  Luna, Aguinaldo replied that he had nothing to do with it; in fact, he was no longer in Cabanatuan when the assassination took place.

He further said that had he wanted the general disposed of cleanly, all that was needed was somebody to shoot him in the back in the thick of battle and nobody would have been any wiser.

Subali't may isa pang heneral--at isa pang telegrama--na nagtuturo na malamang sa hindi ay naantisipo na ni Aguinaldo ang kamatayan ni Luna:
[Interestingly, on the very same day that Luna died, Gen. Venancio Concepcion, then in Angeles, received a telegram from President Aguinaldo. It was sent from the Cabanatuan telegraph office; the transmission time  approximated the time of Luna's assassination. Aguinaldo informed General Concepcion that he (Aguinaldo), had taken charge of the military operations in Central Luzon in place of General Luna. The President further informed Concepcion that he was on his way to Bamban;  it was going to be Aguinaldo's temporary executive and military general headquarters. Aguinaldo also said that Concepcion should meet him in Bamban at 4:00 p.m., the estimated time of his arrival. In fact, Aguinaldo and his party arrived at 7:00 p.m. via a special train.

In his diary, General Concepcion wrote that there were instant loyalty checks among the officers and their respective commands in the headquarters that same night. It was only the next day, June 6, that General Concepcion learned about the death of General Luna and Colonel Roman.]

On June 14, 1899, the New York Times reported General Luna's assassination. It described him as "one of the most intelligent and turbulent of the Filipino leaders," and added that "Aguinaldo was in mortal terror of him."

May pangyayaring idinagdag si Nakpil na makakapagbigay ng mas malalim na kaalaman sa pagkatao ni  Aguinaldo na maaring magdagdag ng linaw kung may kinalaman nga ang huli sa krimeng pagpaslang kay Luna. Ayon kay Nakpil:
History condemns these barbaric acts, He (E, Aguinaldo) also gave orders to assassinate the undersigned to Generals Severino Taino and Pio del Pilar who did not obey the said orders for considering them infamous, unjust, and without any motive, whatever. It was nothing more than a mean and despicable order.




 Mas malinaw sa hindi na si Aguinaldo nga ang nagutos na patayin si Hen. Luna. Kung kaya nga hindi nakakapagtaka na noong halalang pampanguluhan ng 1935 ay ginamit ang isyu ng pagpatay kay Hen. Luna at Supremo Andres Bonifacio bilang propaganda.Ipinaalala ng kampanyang propaganda ni Quezon, dating ayuda-de-campo ni Aguinaldo noong Digmaang Pilipino-Amerikano, ang sinasabing naging kamay (o utos) ng huli sa mga pagpapatay kay Bonifacio at Luna. Makikita ito dito sa flyer na nagsasabing dapat parusahan si Aguinaldo sa "panakaw, pasukap at mahiwagang pagliligpit" sa "mga tunay na Bayani!" Nakasulat sa 1935 na flyer:

Nahuli Ng Mga Kaluluwa Ang Isang Nangangalulwa Ng Kapangyarihan.

MGA MANGHAHALAL:

Magpakagising kayo, sapagka't ang dating gawi ni Aguinaldo noong panahon ng Himagsikan ay siya na naman daw ibig gawin ngayon. Diwa'y nasasalat na niyang di-maaring maluklok siya sa Panguluhan ng "Commonwealth" sa mabutihang paglalaban, ay tinatangkang makuha ito sa mga kaparaanang ginagamit-gamit niya nang panahong lumipas, na panakaw, pasukap at mahiwagang pagliligpit sa mag kaagaw niya sa kapangyarihan, na gaya ng ginawa kina Bonifacio at Luna.

Ang larawang nasa itaas ay naghihiwatig ng bagong tangka: agawin nang palihim o panakaw ang Malyete ng Panguluhan ng Mangkomunidad, at huwag dumaan sa hagdanan kundi sa bintana, na ang ibig-sabihi'y bonipasyuhin at lunahin ang kanyang kalabang ngayon pa'y tiyakang Pangulo nang mahahalal sa Mangkomunidad.

BAYAN: Parusahan mo ang mga mamamatay ng iyong mga tunay na Bayani!
Setyembre 17, 1935.
___________



Pinagkunan ng mga Larawan:

http://pinoykollektor.blogspot.com/2010_09_01_archive.html

http://philippineamericanwar.webs.com/lunaassassination.htm


Batis:

GEN. LUNA ASSASSINATED.; He and His Aide Said to Have Been Killed at the Headquarters of Aguinaldo. New York Times. 14 June 1899. http://query.nytimes.com/gst/abstract.html?res=F70E16FC355D11738DDDAD0994DE405B8985F0D3

Dumindin, Arnaldo. Philippine-American War, 1899-1902. http://philippineamericanwar.webs.com/lunaassassination.htm

Donato, Tony. Pasong Tirad Lugar ng Kagitingan o Katangahan? http://katonynabanlawkasaysayan.blogspot.com/2008/09/pasong-tirad-lugar-ng-kagitingan-o.html

Nakpil, Julio. 'Apuntes Sobre La Revolucion Filipina' (Notes on the Philippine Revolution). http://pinas.activeboard.com/forum.spark?aBID=117200&p=3&topicID=19180666


..

Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

No comments:

total pageviews since july 2010