Wednesday, November 9, 2011

Ang Pagtingin ng Ama ng Pantayong Pananaw sa tumukoy sa wikang P/Filipino bilang "language of the streets"

Pinagsamang lathain nila Dok Zeus Salazar,  Michael Charleston Briones Chua, at Jesusa Bernardo



Dahil marami ang nagtatanong kung ano ang masasabi ng isa sa pangunahing tagapagtaguyod ng Wikang Filipino sa hindi lang sa akademya kundi para sa bayan upang makabuo ng isang talastasang bayan ukol sa artikulo ni James Soriano sa Manila Bulletin ukol sa Wikang Ingles sa Pilipinas, aking pinapaskil sa facebook ang pakikipagtalastasan sa akin ni Dr. Zeus A. Salazar

Dok Zeus Salazar, historyador, antropologo, guro, at Ama ng Pantayong Pananaw
Photo Art: JB
Ang James bang ito ay yung nagsulat sa Inquirer (sic) tungkol sa kanyang pagiging Inglesero (kung papaano siya naging Inglesero at kung papaano niya napagtanto na mas malalim ang Pilipino, di tulad ng pagkakaalam niya sa simula; ngunit nasisiyan pa rin siya na siya ay Inglesero dahil ito ang karaniwang landas tungo sa tagumpay sa ating lipunan ngayon, sa ngayon)? May katotohanan itong huling bahagi at nakita ito ng kanyang nanay na nagdril sa kanya mula sa pagkabata upang siya ay maging Inglesero [bagamat hindi talaga sapat ang kanyang kaalaman sa wikang Ingles, tulad ng makikita sa napakaraming Inglesero at nagpapaka-Inglesero, laluna yung mga nasa Konggreso; "debater" daw siya kaya malamang na kinagaya niya ang punto ng Kano o baka Ingles pa, na hindi garantiya na gagap niya ang balarila ng Anglo-Amerikano]. Ang nakainis siguro sa iyo ay nilait pa niya ang wikang Tagalog/P/filipino dahil sa kanyang palagay ito ay wikang lansangan lamang at hindi wika ng edukasyon [may katotohan ito sa pangkalahatan hanggang ngayon at ito nga ang ating kinakabaka hanggang ngayon at sa palagay ko tayo ay magtatagumpay, sa simpleng dahil na ang wikang pambansa ay wika nga ng lansangan (ibig sabihin, ng Bayan) kung kaya't hindi na maiiiwasan na maging wika ng buong sistema ng edukasyon, bagay na makikita sa kasalukuyang islogan ng buwan ng wika; ang kailangan lang ay ang patuloy at masinsinang pakikibaka] at hindi rin wikang intelektuwal [ang dahilan nito ay marahil dalawa: ang una, wala siyang alam sa mga nakasulat sa P/filipino at Tagalog, bagay na hindi nakapagtataka dahil sa pangyayaring nakatuon (itinuon ng kanyang nanay dahil sa carrierismo) ang kanyang pansin at punyagi sa Ingles at sa kulturang Anglo-Amerikano (samakatuwid iyon ang pinag-aksayahan ng panahon para magtagumpay sa lipunang Inglesero ng Kasalukuyan); ang pangalawa, hindi siya mismo isang intelektuwal (dahil ang isang tunay na intelektuwall ay interesado sa lahat, sa iba't ibang wika at kultura at sa sarili niyang (mga) wika at kalinangan at kabihasnan). May katiting siyang pagka-intelektuwal dahil sa napuna niya naman ang mga katangian ng sariling wika, hindi man niya ito ginagamit liban sa pakikipag-usap di-umano sa mga katulong, drayber, atbp.; tulad ng dating lakad-patong dating Miss Universe na si Gloria Diaz na pagkatapos ay natutong masinsinang magsalita ng Tagalog dahil naging aktres simula nang naging "Pinakamagandang Hayo[?] sa Balat ng Lupa" ni Vic Vargas. Sa ganito, mas intelehente pa siya sa kanyang sa wari'y katoto na si Sergio Apostol; ang bentahe niya rito ay mas bata pa siya at may pag-asa pang matuto at magbago. Batid na niya ang kadakilaan ng wikang atin; nais niya lang magtagumpay sa kasalukuyang lipunan ng Ingleserong elit.
Tagalog marahil si James; "miseducated" lang sa wari sa sentido ni Constantino (na sa kabila ng lahat ng kanyang anti-amerikanismo ay nagsulat ng halos lahat ng kanyang akda sa Ingles, pinasalin niya lang ang ilan, bagamat Tagalog siyang malapit sa bayang kinagisnan ni Balagtas); tila naman hindi siya katulad ni DUA BALABAL ng SOAS daw at ng City University of London, isang Tagalog din, na ngayon ay nasa Latvia (?) na raw -- ipinagtanggol niya, tulad ng alam ninyo ni Atoy, ang Ingles sa pamamagitan ng internasyunalismo. Hindi rin s katulad si James ng ilang di-Tagalog na ipinagtatanggol ang kanilang pagiging Inglesero sa pamamgitan ng kanilang wikang etniko na kadalasan ay hindi na nila talagang gagap (si Apostol ay ganito). Ipinapahayag ni James ang kanyang "miseducation" (maling pagkapalaki) sa wikang Ingles at tanto at batid niya ang importansya ng wikang pambansa; kailangan lang kasi ng maraming umangat sa buhay na makibagay sa kasalukuyang lipunang Inglesero. Ingat.
--Dok Zeus Salazar
_________

Pinagkunan:

Chua, Michael Charleston Briones. SI ZEUS SALAZAR UKOL KAY JAMES SORIANO, 30 Agosto 2011. https://www.facebook.com/note.php?note_id=10150298615343622

 _________

Nota ni Jesusa Bernardo:

Ang James Soriano na tinutukoy ay nagsulat ng artikulong nakakabahala at masasabing nagiinsulto sa wikang Filipino bilang "language of the streets." Wika daw ng kalye ang ating wika, samantalang ang wikang Ingles daw ay wika ng kaalaman.

Kung si Ka Tony Donato, isang komersyal na alagad ng sining at dating mananaliksik ng National Historical Commission ang tatanungin, siguradong sasabihin niyang si James Soriano ay isang "pusang tumatahol." Lol. Ako naman iba ang sasabihin ko diyan dahil malamang ay isang mestizo si James Soriano kaya masasabing isa siyang hybrid ng pusa (Filipino) at aso (Westerner) na mas gustong tumahol kaysa ngumiyaw.

Sabagay, umamin naman itong si James Soriano na "split-level Filipino" siya, na "disconnected" siya sa pagiging Pilipino, sa identidad bilang mamamayan ng, at lahing mula sa, ating bansang Pilipinas. Sa huli, sinabi niyang ang wikang P/Filipino ay maaring maging wika ng kaalaman nguni't hindi ng mga nakapagaral. Ang basa ko dito ay nakikita niya ang katotohanan na sa kasalukuyan, ang ating sariling wika ay ginagamit ng wasto o lubos sa ating sistemang pang-edukasyon. Sabi nga ni Dok Zeus Salazar ay kailangan pa ng maiging pakikibago para makamit ito. 


Ang tanong ko dito ay bakit ba kailangang ipinaglalaban pa ang ating wika upang mangibabaw ito? Bakit ang ating sariling wika ang dehado samantalang tayo ay nandito sa ating sariling lupa at hindi sa lupain ng imperyalistang Kalbong Agila o ng puting bakang Espana? Hindi ba dapat na ang ating sariling wika ang nananaig? Matagal na tayong malaya sa mga puting mananakop, hindi ba?

Ang mga katulad ni James Soriano ay nakikita, nararamdaman, at naiintindihan ang katotohanan na ang wikang Ingles, imbes na ang wikang P/Filipino, ang wika ng may kapangyarihan o impluwensya sa bayang ito. Maraming nagalit sa pang-insulto niya sa ating wika nguni't ano ba ang puno't dulo nito?  Hindi si James Soriano kundi ang sistemang pinaiiral ng mga 'tumatahol, hindi ngumingiyaw' na mga elit ang ugat nito. Iyan ang ating puntiryahin, ang ating bigyang lunas.


________

Ang  sipi ng Agosto 24, 2011 na artikulo nitong si James Soriano ay tinanggal na daw* sa Manila Bulletin dahil sa hindi magandang tugon ng mga mambabasa kabilang sa internet ay matatagpuan dito: 
http://www.pinoymoneytalk.com/james-soriano-column-filipino-language/

Language, learning, identity, privilege

By JAMES SORIANO
 August 24, 2011, 4:06am

MANILA, Philippines — English is the language of learning. I’ve known this since before I could go to school. As a toddler, my first study materials were a set of flash cards that my mother used to teach me the English alphabet.

My mother made home conducive to learning English: all my storybooks and coloring books were in English, and so were the cartoons I watched and the music I listened to. She required me to speak English at home. She even hired tutors to help me learn to read and write in English.

In school I learned to think in English. We used English to learn about numbers, equations and variables. With it we learned about observation and inference, the moon and the stars, monsoons and photosynthesis. With it we learned about shapes and colors, about meter and rhythm. I learned about God in English, and I prayed to Him in English.

Filipino, on the other hand, was always the ‘other’ subject — almost a special subject like PE or Home Economics, except that it was graded the same way as Science, Math, Religion, and English. My classmates and I used to complain about Filipino all the time. Filipino was a chore, like washing the dishes; it was not the language of learning. It was the language we used to speak to the people who washed our dishes.

We used to think learning Filipino was important because it was practical: Filipino was the language of the world outside the classroom. It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera when you went to the tindahan, what you used to tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed “sundo na.”

These skills were required to survive in the outside world, because we are forced to relate with the tinderas and the manongs and the katulongs of this world. If we wanted to communicate to these people — or otherwise avoid being mugged on the jeepney — we needed to learn Filipino.

That being said though, I was proud of my proficiency with the language. Filipino was the language I used to speak with my cousins and uncles and grandparents in the province, so I never had much trouble reciting.

It was the reading and writing that was tedious and difficult. I spoke Filipino, but only when I was in a different world like the streets or the province; it did not come naturally to me. English was more natural; I read, wrote and thought in English. And so, in much of the same way that I learned German later on, I learned Filipino in terms of English. In this way I survived Filipino in high school, albeit with too many sentences that had the preposition ‘ay.’

It was really only in university that I began to grasp Filipino in terms of language and not just dialect. Filipino was not merely a peculiar variety of language, derived and continuously borrowing from the English and Spanish alphabets; it was its own system, with its own grammar, semantics, sounds, even symbols.

But more significantly, it was its own way of reading, writing, and thinking. There are ideas and concepts unique to Filipino that can never be translated into another. Try translating bayanihan, tagay, kilig or diskarte.

Only recently have I begun to grasp Filipino as the language of identity: the language of emotion, experience, and even of learning. And with this comes the realization that I do, in fact, smell worse than a malansang isda. My own language is foreign to me: I speak, think, read and write primarily in English. To borrow the terminology of Fr. Bulatao, I am a split-level Filipino.

But perhaps this is not so bad in a society of rotten beef and stinking fish. For while Filipino may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned.

It is neither the language of the classroom and the laboratory, nor the language of the boardroom, the court room, or the operating room. It is not the language of privilege. I may be disconnected from my being Filipino, but with a tongue of privilege I will always have my connections.

So I have my education to thank for making English my mother language.


*Subali't mukhang naibalik, dito sa MB.com na URL na ito: http://www.mb.com.ph/articles/331851/language-learning-identity-privilege





Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

No comments:

total pageviews since july 2010