Saturday, April 16, 2011

HUSTISYA

HUSTISYA
ni JC de los Reyes

Tanging yaman ng lipunan,

sandata kontra

kalabisan


Ngayo'y alipin ng

maling sistema ngunit

bukas maghahari siya


Lumalalang kahirapan,

di-pantay pantay na

kabuhayan, krimen droga, pang-aabuso’t

maling laya…


Kahit ipinanganak sa buhay na

marangya, malungkot at kulang dahil

sa kahirapan ng kapwa



Hangarin ko mahal kong masa,

anak ko at anak nyo’y mabuhay

ng pareha



Sabi nila'y baliw! Imposible! Maghunos

dili ka... sabi ko nama’y, munting

panaginip sa akin mag-uumpisa
_______


 
Pinagkunan:


de los Reyes, JC. "Hustisya." 23 June 2009. http://www.facebook.com/notes/jc-de-los-reyes/hustisya-by-jc-delos-reyes/111565220989


Photo Art: JB


Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

No comments:

Recent Posts

total pageviews since july 2010