Saturday, January 24, 2015

“PANAHON NG TRANSISYON AT KRISIS NG LIPUNAN AT KALINANGAN NG KAPILIPINUHAN (1890 – 1913): Huling Baytang ng Pagkabuo ng Bayan (1588 -1913)”

“PANAHON NG TRANSISYON AT KRISIS NG LIPUNAN AT KALINANGAN NG KAPILIPINUHAN (1890 – 1913):
Huling Baytang ng Pagkabuo ng Bayan (1588 -1913)” [Ang Pangalawang Bahagi ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan (500,000/250,000 BK – 2015 MK)]

Inaanyayahan ho ang mga guro sa Kasaysayan at Araling Panlipunan at lahat ng may hilig at interes sa mga tala at saysay ng nakaraan ng Bayan sa isang makabuluhang Pambansang Seminar-Workshop na gaganapin nitong Abril 22 sa Roxas City... Ang mainam ho dito sa seminar-workshop nila Dok Zeus Salazar, maliban sa mabibigat ang mga historyador na magsasalita, ay ang PANTAYONG PANANAW na pagtingin at pag.intindi sa kasaysayan.

Sa Pantayong Pananaw ho ay tayong mga Tagalog/Pilipino/a ang mahalaga--ang ating pananaw na hiwalay at iba sa Kanluraning pananaw. Ibig sabihin, walang colonial mentality sa pagtingin sa ating Bayan at mga sarili kung kaya naman mas malinis, mas tumpak, mas angkop ang anumang magiging pag.intindi o konklusyon natin sa mga bagay-bagay.

Nakakapukaw din ho ng interes ang kasamang paksa na--DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO (1899-1913/4)!!! Maniwala kayo, bihira sa mga ganitong pangkasaysayang talakayan/seminar-workshop ang isinasama ang Panahon ng giyera natin sa tantads na Kalbong Agila.

Ang mismong LINK ho ng seminar workshop ay:

https://www.facebook.com/events/707897592657690/?ref=2&ref_dashboard_filter=upcoming





Mga Detalye:

Pangkalahatang Perspektiba:
DR. ZEUS A. SALAZAR
Retiradong Propesor, U.P. Diliman at Pamantasang Dela Salle, Maynila
BAKAS, Inc. & Bahay Saliksikan sa Kasaysayan

I. Imperyo at Himagsik: Ang Pagkabuo ng Bayan sa Panahon ng Imperyalismo

“Ang Paglaho ng Imperyong Kastila sa harap ng Imperyalismong Amerikano”
Dr. Ramon “Bomen” G.Guillermo, U. P. Diliman

“Ang mga Imperyalistang Kapangyarihan ng Europa, Estados Unidos at Hapon sa Paglilibing ng Imperyong Kastila sa Maynila”
Dr. Elsa Clavé-Çelik, Université Denis Diderot (Paris VII)

“Ang Ekonomiya ng Pilipinas sa Paglaganap ng Kapitalismong Pangpinansya (Huling Dekada ng ika-19 na Dantaon hanggang Simula ng Unang Digmaang Pandaigdig”

Prop. Karl K. Poblador, U.P. Diliman
“Ang Katipunan at ang Himagsikan 1896 hanggang Kasunduan ng Biyak-na-Bato (1890-1897)”
Dr.Nancy Kimuell-Gabriel, U.P. Diliman/BAKAS

“Ang Revolución nina Aguinaldo at ang Digmaang Filipino-Amerikano (1898 – 1901)”
Dr. Lars Raymund C. Ubaldo, DLSU, Maynila/BAKAS

“Ang Republika ng Malolos at ang Uring Prinsipal-Ilustrado”
Prop. Adonis Elumbre L, Elumbre, U.P. Baguio

Mga Tagapagtaguyod:
Bagong Kasaysayan, Inc.-Bahay Saliksikan sa Kasaysayan
Sacred Heart of Jesus Holdings (Sa kagandahang loob ni Gng. Victoria Hariette Ong-Banson)
Roxas City Government (Sa kagandahang loob ni Mayor Angel Allan Celino)
Department of Interior and Local Government*
Capiz Provincial Government (Sa kagandahang loob ni Gob. Victor A. Tanco)
Capiz Provincial Tourism Office
Capiz Historical and Cultural Society
Filamer Christian University (Sa kagandahang loob ni Rev. Dr. Domingo J. Diel, Jr.)

Mga Tagapag-ugnay/Convenors:
Dr. Vicente Villan
Dr. Rowena Quintos-Bailen
Prop. Gil Clavel

Sa pakikipag-ugnay sa
Commission on Higher Education,* Department of Education* (Sa sandaling makuha ang mga kaukulang advisories/endorsements ay ipopost ang mga ito sa facebook)
National Historical Commission of the Philippines* at National Center for Culture and the Arts*

Halaga ng Pagpapatala:
Mga Kasapi ng BAKAS: 2,700 Php
Hindi Kasapi ng BAKAS: 3,000 Php
Mga delegado mula sa DepEd Region 6: 1,500 Php
Mga Interesadong Mag-aaral ng Kasaysayan mula sa buong Pilipinas: 1,500 Php

Mga Nakapaloob:
Seminar-workshop Kit; Tanghalian at Merienda sa umaga at hapon para sa Apat (4) araw; Katibayan ng Pagdalo at Pakikibahagi; Lakbay-aral at pagkakataong makapag-uwi ng mga aklat, mapa at iba pang kasangkapang panturo. Gayundin, aklat para sa mga kasapi ng BAKAS.

OPSYUNAL (Hindi kasama sa bayad sa pagpapatala)
Abril 26, 2015 (Pagkatapos ng Seminar-Workshop)
Tour ng Boracay, Islas de Gigantes, Suhot Cave, Iloilo at Antique.
https://www.facebook.com/events/707897592657690/?ref=2&ref_dashboard_filter=upcoming  Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

No comments:

total pageviews since july 2010