Thursday, May 19, 2011

Pangkalahatang Perspektiba: "Kasaysayan at Kalinangan: Ang Bagong Kasaysayan sa Unang Dekada ng Siglo 21"

 ni Dr. Zeus A. Salazar


Pangkalahatang Perspektiba  sa ika-9 na Bakas Seminar-workshop na ginanap noong Mayo 10-12 sa Ortigas Foundation Library. Pagsasakonteksto ng unang dekada ng ika-21ng siglo na siyang tema ng seminar. 

Sa kontesktong ito ng paglilinaw sa nakaraan ng Kapilipinuhan ang tema ng kasalukuyang seminar-workshop ay hindi maaring ituon lamang sa unang dekada ng ating bagong dantaon kundi gayundin sa naging kasaysayan ng BAKAS hangang ngayon upang lalong makita ang paghawi sa karimlan. Importante sa gawaing ito ang 1989 na siyang taon ng Unang Pambansang Kumperensya sa Historiograpiyang Pilipino na ginanap noong Marso 27-Abril 1 ng taong iyon sa U.P. Diliman sa pagtataguyod ng BAKAS, LIKAS at ng U.P. Departamento ng Kasaysayan...
xxxx
Sa Kolonya (Alemanyan) rin inilathala ng BAKAS ang Kasaysayan ng Bulakan ni Dr. Jaime Veneracion noong 1986. Si Dr. Veneracion ang naging Co-convenor ni Dr. Salazar ng Kumperensya noong 1989 at naging unang Pangulo ng Asosasyon ng mga Dalubhasa at may Hilig sa Kasaysayan (ADHIKA) na siyan kinasapitan ng Kumperensya.





Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

No comments:

total pageviews since july 2010