Saturday, January 24, 2015

“PANAHON NG TRANSISYON AT KRISIS NG LIPUNAN AT KALINANGAN NG KAPILIPINUHAN (1890 – 1913): Huling Baytang ng Pagkabuo ng Bayan (1588 -1913)”

“PANAHON NG TRANSISYON AT KRISIS NG LIPUNAN AT KALINANGAN NG KAPILIPINUHAN (1890 – 1913):
Huling Baytang ng Pagkabuo ng Bayan (1588 -1913)” [Ang Pangalawang Bahagi ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan (500,000/250,000 BK – 2015 MK)]

Inaanyayahan ho ang mga guro sa Kasaysayan at Araling Panlipunan at lahat ng may hilig at interes sa mga tala at saysay ng nakaraan ng Bayan sa isang makabuluhang Pambansang Seminar-Workshop na gaganapin nitong Abril 22 sa Roxas City... Ang mainam ho dito sa seminar-workshop nila Dok Zeus Salazar, maliban sa mabibigat ang mga historyador na magsasalita, ay ang PANTAYONG PANANAW na pagtingin at pag.intindi sa kasaysayan.

Sa Pantayong Pananaw ho ay tayong mga Tagalog/Pilipino/a ang mahalaga--ang ating pananaw na hiwalay at iba sa Kanluraning pananaw. Ibig sabihin, walang colonial mentality sa pagtingin sa ating Bayan at mga sarili kung kaya naman mas malinis, mas tumpak, mas angkop ang anumang magiging pag.intindi o konklusyon natin sa mga bagay-bagay.

Nakakapukaw din ho ng interes ang kasamang paksa na--DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO (1899-1913/4)!!! Maniwala kayo, bihira sa mga ganitong pangkasaysayang talakayan/seminar-workshop ang isinasama ang Panahon ng giyera natin sa tantads na Kalbong Agila.

Ang mismong LINK ho ng seminar workshop ay:

https://www.facebook.com/events/707897592657690/?ref=2&ref_dashboard_filter=upcoming





Mga Detalye:

Pangkalahatang Perspektiba:
DR. ZEUS A. SALAZAR
Retiradong Propesor, U.P. Diliman at Pamantasang Dela Salle, Maynila
BAKAS, Inc. & Bahay Saliksikan sa Kasaysayan

I. Imperyo at Himagsik: Ang Pagkabuo ng Bayan sa Panahon ng Imperyalismo

“Ang Paglaho ng Imperyong Kastila sa harap ng Imperyalismong Amerikano”
Dr. Ramon “Bomen” G.Guillermo, U. P. Diliman

“Ang mga Imperyalistang Kapangyarihan ng Europa, Estados Unidos at Hapon sa Paglilibing ng Imperyong Kastila sa Maynila”
Dr. Elsa Clavé-Çelik, Université Denis Diderot (Paris VII)

“Ang Ekonomiya ng Pilipinas sa Paglaganap ng Kapitalismong Pangpinansya (Huling Dekada ng ika-19 na Dantaon hanggang Simula ng Unang Digmaang Pandaigdig”

Prop. Karl K. Poblador, U.P. Diliman
“Ang Katipunan at ang Himagsikan 1896 hanggang Kasunduan ng Biyak-na-Bato (1890-1897)”
Dr.Nancy Kimuell-Gabriel, U.P. Diliman/BAKAS

“Ang Revolución nina Aguinaldo at ang Digmaang Filipino-Amerikano (1898 – 1901)”
Dr. Lars Raymund C. Ubaldo, DLSU, Maynila/BAKAS

“Ang Republika ng Malolos at ang Uring Prinsipal-Ilustrado”
Prop. Adonis Elumbre L, Elumbre, U.P. Baguio

Mga Tagapagtaguyod:
Bagong Kasaysayan, Inc.-Bahay Saliksikan sa Kasaysayan
Sacred Heart of Jesus Holdings (Sa kagandahang loob ni Gng. Victoria Hariette Ong-Banson)
Roxas City Government (Sa kagandahang loob ni Mayor Angel Allan Celino)
Department of Interior and Local Government*
Capiz Provincial Government (Sa kagandahang loob ni Gob. Victor A. Tanco)
Capiz Provincial Tourism Office
Capiz Historical and Cultural Society
Filamer Christian University (Sa kagandahang loob ni Rev. Dr. Domingo J. Diel, Jr.)

Mga Tagapag-ugnay/Convenors:
Dr. Vicente Villan
Dr. Rowena Quintos-Bailen
Prop. Gil Clavel

Sa pakikipag-ugnay sa
Commission on Higher Education,* Department of Education* (Sa sandaling makuha ang mga kaukulang advisories/endorsements ay ipopost ang mga ito sa facebook)
National Historical Commission of the Philippines* at National Center for Culture and the Arts*

Halaga ng Pagpapatala:
Mga Kasapi ng BAKAS: 2,700 Php
Hindi Kasapi ng BAKAS: 3,000 Php
Mga delegado mula sa DepEd Region 6: 1,500 Php
Mga Interesadong Mag-aaral ng Kasaysayan mula sa buong Pilipinas: 1,500 Php

Mga Nakapaloob:
Seminar-workshop Kit; Tanghalian at Merienda sa umaga at hapon para sa Apat (4) araw; Katibayan ng Pagdalo at Pakikibahagi; Lakbay-aral at pagkakataong makapag-uwi ng mga aklat, mapa at iba pang kasangkapang panturo. Gayundin, aklat para sa mga kasapi ng BAKAS.

OPSYUNAL (Hindi kasama sa bayad sa pagpapatala)
Abril 26, 2015 (Pagkatapos ng Seminar-Workshop)
Tour ng Boracay, Islas de Gigantes, Suhot Cave, Iloilo at Antique.
https://www.facebook.com/events/707897592657690/?ref=2&ref_dashboard_filter=upcoming  Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Saturday, January 25, 2014

BONI@150: Katipunan, Trahedya at Pagtataksil

Sa episode na ito, makikita natin ang pagpapatuloy ng pag-iibigang Andres at ang ma-prinsipyong si Oriang--pagpapakasal na muli sa ritwal ng KKK at pagluwal kay Andres Jr.--paglilimbag ng Katipunan, pagkakahalal kay Boni bilang bagong pangulo ng KKK, paglilimbag ng pahayagang Kalayaan, pagsuplong sa Kastila tungkol sa KKK, pagplaplanong militar nila Boni, pagpasok ni Miong Aguinaldo sa KKK, atbp.

Gumanap ng mga Bida:

Sid Lucero bilang Andres Bonifacio
Glaiza de Castro bilang Gregoria de Jesus
Benjamin Alves bilang Sebastian
Dominic Roco bilang Pacquing
Jerald Napoles bilang Macario Sakay

Historical consultants: Dok Lars Ubaldo & Prop. Xiao Chua
http://www.youtube.com/watch?v=veYxXSWAvm8 Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Wednesday, January 22, 2014

BONI@150: Katipunan, Pangalawang Kabanata II Oriang (Full Episode 2)

Napakaganda hong kabanata ito ng Katipunan, alay ngayong BONI@150... Tunay nga palang naging makulay ang buhay pag.ibig ni Supremo Bonifacio--ang suyuan nila ni Oriang de Jesus ay mag.intertwine sa pagbubuo, pagpapalakas, at kasasapitan ng Kagalangalangan, Kataastaasang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

Gumanap ng mga Bida:
Sid Lucero bilang Andres Bonifacio
Glaiza de Castro bilang Gregoria de Jesus
Benjamin Alves bilang Sebastian
Dominic Roco bilang Pacquing
Jerald Napoles bilang Macario Sakay

Katipunan Crew:
Creator: Jaileen Jimeno
Program Manager: Nowell Cuanang
Executive Producer: Jays Bernard Santos
Director: King Marc Baco
Writer: Ian Victoriano

http://www.youtube.com/watch?v=2VnejfZM9m0
  Licencia de Creative CommonsReposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines. Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Saturday, January 11, 2014

BONI@150: Katipunan, Unang Kabanata I Teresa (Full Episode 1)

Ang unang kabanata ng 'KATIPUNAN' na serye sa telebisyon na nilikha taon sa pagpasok ng taon ng pagdiriwang ng BONI@150. Tamang-tama upang ating makilala ng husto ang ating Supremo, ang Katipunan.

"Sa unang kabanata ng "Katipunan", kilalanin ang magpinsang sina Sebastian at Pacquing, at ang kaibigan nilang si Teresa. Habang
si Sebastian ay naglilingkod bilang sakristan, nananatili namang malayo ang loob nina Pacquing at Teresa sa simbahan.

"Samantala sa kalunsuran, patuloy ang pagsusulat ni Andres Bonifacio para sa teatro kasama ang mga kaibigang sina Aurelio Tolentino at Macario Sakay. Sa kanyang mga dula unang ipinasok ni Bonifacio ang mga ideya niya tungkol sa pagpapalayas ng mga mapang-aping Espanyol paalis ng Pilipinas."

Gumanap ng mga Bida:
Sid Lucero bilang Andres Bonifacio
Glaiza de Castro bilang Gregoria de Jesus
Benjamin Alves bilang Sebastian
Dominic Roco bilang Pacquing
Jerald Napoles bilang Macario Sakay

Katipunan Crew:
Creator: Jaileen Jimeno
Program Manager: Nowell Cuanang
Executive Producer: Jays Bernard Santos
Director: King Marc Baco
Writer: Ian Victoriano


Historical consultants: Dok Lars Ubaldo & Prop. Xiao Chua



Licencia de Creative CommonsReposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Friday, January 10, 2014

BONI@150: 'Anak ng Bayan: The Katipunan Primer'

Ngayong BONI@150, panoorin po natin itong mas makatotohanang pagsasadula ng naging buhay ni Supremo Andres Bonifacio y de Castro.
Nirerekomenda ko ho ito dahil consultant dito sina Dok Lars Ubaldo at Michael Charleston Briones Chua kaya malapit sa aktwal na mga pangyayari.


Pinapakilala ng 30-minutong video primer na ito sa madlang Tagalog/Pilipino/Taga-Ilog/Maharlika ang totoong Andres Bonifacio y de Castro: ang manghihimagsik, maginoo, maingat magplano, at masistematikong pinuno. Makulay din ang kanyang naging buhay pag-ibig.

Kabilang dito sa "Anak ng Bayan: The Katipunan Primer" ang mga footage na eksena ni Sid Lucero, gumanap na Bonifacio, at Glaiza de Castro, gumanap na Gregoria de Jesus at iba pang mga artista sa pagtalakay nila sa mahihirap na papel ng mga ninuno nating bumuo sa Katipunan.

Gumanap ng mga Bida:
Sid Lucero bilang Andres Bonifacio
Glaiza de Castro bilang Gregoria de Jesus
Benjamin Alves bilang Sebastian
Dominic Roco bilang Pacquing
Jerald Napoles bilang Macario Sakay

Katipunan Crew:
Creator: Jaileen Jimeno
Program Manager: Nowell Cuanang
Executive Producer: Jays Bernard Santos
Director: King Marc Baco
Writer: Ian Victoriano

Historical consultants: Dok Lars Ubaldo & Prop. Xiao Chua

___


 Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Saturday, July 21, 2012

Bury the Past, Bury the Sex "-Scandal" Videos


PANAWAGAN ho sa lahat ng may account sa mga social networking sites katulad ng Facebook, lalo na sa mga kababaihan na makiisa at tumulong tayo para makabangon muli ang mga biktima ng Sex Scandal Videos. Lalagyan n'yo lamang ho ng "-Scandal" ang inyong mga apelido sa  (display name ng) mga accounts ninyo at malaking tulong na. Dahil ho dadami ang mga pahina sa Web ng mga babae na may 'Scandal' na nakakabit ay matatabunan ang mga totoo (at hindi kaaya-ayang) mga sex scandal videos at ang mangyayari ay mahihirapan nang makita ito ng mga nagse.surf sa internet.




Kailangan din hong kumilos ang publiko dahil marami talaga yata ang mga kriminal de bboy sa kabastusan na ikakalat ang mga pribadong bagay at ipapahamak ng labis ang kapwa kumita o makinabang lamang. Kung hindi bboy.ramong halimaw na sindikato ay mga indibidwal na walang konsensya. May ilang babae rin ho sigurong may kinalaman sa kasuka-sukang pagpapakalat ng ilang sex videos subalit karamihan yata ay mga chauvinist na lalaki. Gawa pa nga ng sindikato at least dati ay paibigin ang mga biktimang babae, kukunan ang pagtatalik at iiskandaluhin, gagawa ng video na ibebenta.

Tama ho ba naman ipakita ang pagka-kama at mga pribadong bahagi ng katawan lalo na ng babae ng walang pahintulot? Akala mo naman ang mga kriminal.de.utak na mga lalaking iyan ay hindi inilabas ang kalahati ng pinagmulan ng kanilang katawan mula sa ari ng tatay nila, ipinasok sa ari ng nanay nila at iniluwal ng buo sa huli rin. Kung ang mga magulang ba nila, lalo na ang nanay nila, ang iniskandalo noong sila pala ang ginagawa ay ayos kaya sa kanila yon????  :)

Para sa mga taga-Facebook, mapalitan ho ang inyong account names, click lamang ho kayo dito:

https://www.facebook.com/settings?tab=account&section=name&view


Maraming, maraming salamat ho sa mga susuporta sa proyektong ito ng samahang GABRIELA para sa kababaihan at lahat ng mga biktima ng sex scandal videos. :)

BURY the PAST, BURY the SEX SCANDAL VIDEOS.



_____


Original Photo Credits:

GABRIELA

.

  Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Monday, July 16, 2012

Pagpupugay kay MAITA GOMEZ: Aktibista para sa Kalayaan ng Kababaihan at ng Taumbayan

by Prof. Jose Maria Sison
Founding Chairman
Communist Party of the Philippines



JULIE and I wish to express our most heartfelt condolences to the children and other relatives of Maita Gomez; and to all her comrades and friends. All of us are deeply saddened by her unexpected demise.

Until her cardiac arrest, we had thought that she had many more years to serve the people in their struggle for national liberation and democracy and the women in their struggle for gender equality and for their full participation in all social endeavors. Nevertheless, her life is full of significant and outstanding achievements in fulfilling her revolutionary commitment and in rendering service to the people and the women’s liberation movement.

Since the resurgence of the anti-imperialist and anti-feudal movement in the Philippines in the 1960s, the patriotic and progressive forces have always taken a special interest in the development of the women’s movement and in the increased participation of women in the struggle for national liberation and democracy.

We are enlightened by the writings and deeds of revolutionary women leaders like Clara Zetkin and Aleksandra Kollontai and inspired by the heroic examples of Gabriela Silang, Melchora Aquino and other revolutionary Filipino women leaders. We are guided by Mao’s teaching that the women hold up half of the sky. The activists of the Student Cultural Association of the University of the Philippines, the Women’s Bureau of Kabataang Makabayan and the women in the labor unions, peasant associations and professional circles carried forward the progressive role of women.

As cadres of the national democratic movement, we were elated by the emergence of Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka) from the Women’s Bureau and women members of Kabataang Makabayan and the dramatic ways by which Makibaka demonstrated the necessity and importance of the role of women in the struggle to achieve the radical transformation of society in all major respects.

Makibaka and its leading figure Lorena Barros succeeded in drawing to the progressive movement women who were nationally prominent. They included beauty queens who won in prestigious pageants and were known to be exceptionally intelligent. Among them was Maita Gomez, Miss Philippines of 1967. They used their celebrity status to advantage in denouncing not only the reactionary character of beauty contests but also the entire ruling system. They spoke on major issues affecting women and the entire people.

Maita was inspired and energized by the First Quarter Storm of 1970. She wanted to be a revolutionary. And she availed of the opportunities in sight for learning about the revolution. Thus, she was drawn towards Makibaka. But she had more comprehensive and intensive studies on Marxism-Leninism and Philippine society and revolution in the Humanist League of the Philippines which was a small and laid-back group in the University of the Philippines, under the influence of the Cultural Bureau of the Communist Party of the Philippines.

After the First Quarter Storm of 1970, in which women youth activists mobilized themselves in large numbers, Lorena Barros came to our mountain camp in Barrio Dipogo in Isabela to report on developments in the women’s movement and to discuss plans for Makibaka. She was proud of how effective were Maita and other beauties of national renown in propagating the patriotic and progressive stand on national issues. Their celebrity status drew attention to the issues.

When martial law was proclaimed by the Marcos regime in order to impose a fascist dictatorship on the people, Maita decided to go underground in Manila. She was brought eventually to a guerrilla zone in Southern Tagalog. She was brought back to Manila when her presence in the guerrilla zone drew a lot of attention and posed security problems. Thus, it was decided that she would do underground staff work in Baguio City.

The house she was in was raided by the enemy and she was arrested. Through the National Liaison Committee of the Party, I came to know her plan to escape from Camp Olivas and I monitored how she actually escaped, with the help of a military officer who brought her out of the camp with him. Then some comrades in charge of accommodating Maita became concerned about the behavior of the officer. A further plan was undertaken to take her away. I learned later that when the officer refused to let her go she had to disable him so that she could escape.

I can relate only what I came to know about her from organs of the Party. I leave to others to narrate in more detail how she stayed in the urban underground for a while after her escape and then how she was redeployed together with her beloved Joey Decena to a guerrilla zone in Central Luzon where they bore arms, marched and lived as guerrilla fighters and where he died as a martyr in a battle. When she fell sick, she was brought to Manila for treatment and recovery. Sometime afterwards, she was arrested and became a political prisoner for sometime.

While I was in prison, I learned that Maita was released. She subsequently joined the legal movement against the Marcos fascist dictatorship in the 1980s. She co-founded the Gabriela in 1984. This emerged the largest patriotic and progressive alliance of women’s organizations. She became one of the principal leaders of the Women for the Ouster of Marcos and Boycott (WOMB) in 1985. She co-founded in 1986 the first political party of women in Philippine history, the Kababaihan para sa Inangbayan (KAIBA).

Julie met Maita in 1983 and they became friends as they worked together in the movement to oust the Marcos fascist dictatorship. The three of us met at her Ermita apartment after I was released from military detention in 1986. We became barkada, attending many public meetings and social gatherings together. On many occasions, we exchanged ideas about women and the revolutionary movement. She was then engaged in women’s studies as an activist, scholar and teacher at St. Scholastica. We had become very close comrades and friends by the time Julie and I left for abroad for our global university lecture tour at the end of August in 1986.

From abroad, I learned that she had serious differences with Popoy Lagman with regard to the 1986 and 1987 elections. She drew away from his organizational sway. But she stayed committed to the principles of the revolutionary movement. I sent word to her to stay firm in order to encourage her. She welcomed the Second Great Rectification Movement and became more active in the national democratic movement. I leave to others to narrate how she spoke and fought in the service of the people from the 1990s to the time of her death.

I met Maita for the last time in May 2009 in Amsterdam. She was winding up her work with the IBON Foundation as an economic research consultant. And she was happy that in the previous month she was elected co-chairperson of the Makabayan Coalition and that Gabriela which she had co-founded celebrated its 25th anniversary and all its glorious achievements. Our conversation was wide ranging, covering so many serious ones and funny ones. It lasted from about 8 pm to 4 am. She was optimistic about how the patriotic and progressive forces would advance further in the legal democratic movement and in the anticipated elections of 2010.

We are all proud of our beloved Comrade Maita Gomez as an outstanding freedom fighter. She has bequeathed to us and future generations a rich legacy of writings and activism in the service of women and the entire people. We shall always love and remember her because of her hard work, intelligence, sacrifices and all her positive contributions to the national democratic movement.###


(May pahintulot ng muling paglimbag mula kay Ka Joma Sison)

______


Pinagkunan:

Sison, Jose Maria.  FIGHTER FOR THE LIBERATION OF WOMEN AND THE PEOPLE: A Tribute to Maita  Gomez. 13 July 2012. http://www.josemariasison.org/?p=11062#more-11062


Original Photo credits: 

c/o Prof. Joma Sison's Facebook account (Mon Ramirez, Joms Salvador-Scandal, & Amihan-Euza)


.


 Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Wednesday, July 4, 2012

STOP Imperialist War against Syria

by Prof. Jose Maria Sison
Chairperson,
International League of Peoples’ Struggle


WE, the International League of Peoples’ Struggle, condermn in the strongest terms the duplicitous scheme of the US and NATO in instigating, funding and arming the so-called Syrian National Council and Free Syrian Army to seek the violent overthrow of the Assad government in Syria and at the same time pushing a “peace plan” and then a “transitional government” under the auspices of the UN in order to politically outmaneuver the Assad government and the anti-imperialist and democratic forces.

RT.com source (US official): “intervention will happen.
It is not a question of ‘if’ but ‘when’.”
Rebels work side by side with NATO undercover troops


The US and NATO are hell-bent on effecting a regime change by escalating the war efforts of the mercenary “rebel forces” and exerting various economic and political pressures with the use of the UN and puppet regimes in the region in preparing for an all-out imperialist war of aggression as in Iraq, Afghanistan and Libya. The Western corporate media are part and parcel of the imperialist war machine in moulding international public opinion to justify this criminal conspiracy.

The imperialist powers headed by the US detest the Assad government for asserting national sovereignty and independence, particularly against the US-Zionist combine, and want to replace said government with a puppet regime closely aligned with the imperialists’ hegemonic policy in the region. Burhan Ghallioun, a leading member of the imperialist funded Syrian National Council has promised to open up Syria to the West, end Syria’s strategic alliance with Iran which includes support for the Lebanese and Palestinian resistance to Israel and bring Syria closer to the arch-reactionary Arab puppet regimes.

Turkey is taking the lead as the US proxy in the war against the Assad government. It is providing the mercenary Free Syrian Army with rear bases close to the Syrian border where French and British special forces are providing training to “rebel” fighters. Weapons seized from the arsenals of the late Muammar Gaddafi are being brought in to the military bases in Turkey by unmarked NATO planes. The so-called Free Syrian Army is funded by governments of Saudi Arabia and Qatar. These two countries are playing the same shameful role they played in the criminal imperialist operation against the Gaddafi government.

Thousands in Pro-Assad Rally
US, France arm Syrian rebels with anti-aircraft missiles
The Turkish foreign minister, Ahmet Davitoglu, has said in public that Turkey is ready to attack Syria as soon as there is agreement among the Western governments to do so. The naked aggression would be justified by the so-called “responsibility to protect” doctrine that has now become the standard pretext of the imperialists in trampling on the national sovereignty of countries.

The Western corporate media has stepped up its campaign of spreading lies about so-called atrocities by the Assad government. The famous “Homs massacre” attributed by Western governments and echoed by the Western media to the Syrian Army has turned out to be the handiwork of the armed “rebels”. A rebel commander Abu Rami has admitted to Spiegel Online that his death squads had executed more than 200 people in the city of Homs.

Just before Kofi Annan made his scheduled visit to Syria, news spread of a massacre of 108 people in the city of Houla on May 25 that included women and children. Western governments were quick to condemn the Assad government and expelled Syrian diplomats from their countries. The UN Security Council without any investigation similarly denounced the Syrian government. It later turned out that 700 armed fighters of the mercenary Free Syrian Army had carried out the massacre of families suspected of being loyal to Assad.


UN Security Council condemned Assad on false Houla Massacre info
Annan in a public speech has called the Houla massacre the “tipping point.” The US and NATO have used the massacre in Houla to work more blatantly than ever before for the overthrow of Assad. They are no longer hiding the fact that the CIA is now active in southern Turkey delivering weapons and communications equipment to the mercenary Free Syrian Army.

Turkey has started to make provocations that could produce the pretexts for outright aggression. The shooting down by Syrian air defenses of a Turkish military jet that the Turkish government subsequently admitted to have “accidentally strayed” into Syrian airspace is now being used by the US and NATO in their sabre-rattling and war preparations.

The International League of Peoples’ Struggle (ILPS) resolutely supports the broad masses of the people and the anti-imperialist and democratic forces of Syria in their struggle against the US and NATO for their ongoing intervention in Syria and their preparations for a naked war of aggression against the people and government of Syria.

We call on all member organizations of ILPS, all progressive forces and all people of goodwill to mobilize and organize protest actions against the criminal actions of the imperialists that have already caused so much destruction and suffering in Syria and are tearing that country apart.
US and NATO, Hands off Syria!
Stop imperialist war!
Down with imperialism and all forms of reaction!
Assert national independence and sovereignty!
Long live the international solidarity of peoples!

(May pahintulot ng muling paglilimbag mula kay Ka Joma Sison)

_______


Pinagkunan:

Sison, Joma. STOP Imperialist War against Syria. 1 July 2012. Jose Maria Sison website. http://www.josemariasison.org/?p=10998


Photo Credits: RT.com
.

 Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Sunday, June 24, 2012

History of the Philippines based on Flag Colors


Said to be the first official flag of the underground-society-turned-revolutionary government Katipunan (KKK), led by Supreme President Andres Bonifacio y de Castro. The three letter Ks in white centered on a red cloth stood for Kataastasang Kagalanggalangang Katipunan ng Manga Anak nang Bayan (loosely translates into "Most High & Most Sacred Society of the Children of the Land").





An early version of the flag of the Katipunan  It has the three (3) white letter Ks arranged in an equilateral triangle on a red cloth. It should be noted that leaders of the KKK had their differing war standards.





Flown from August 1896 until possibly the Fil-Am War
Arguably the first official flag of the Philippines-in-revolution. This flag was Bonifacio's war standard that was raised during the Cry of Pugadlawin when revolutionaries tore their cedulas (residence certificates), signalling the call to sever colonial ties with Spain. The Katipunan transformed into a revolutionary government on August 24, 1896 with Bonifacio as President and forming a military arm organized to forcibly attain independence from Spain through the Himagsikan. The Katipunan flag was unfurled two days later in Balintawak, shortly before the launching of the general uprising.



Supposedly the first official revision of the Katipunan flag when military leaders at the 1897 Naic Assembly adopted a design of mythological sun having eight rays but retaining the white-and-red colors.




Flown from 1898 to about 1907; possibly 1919 to about 1936
Design of the flag adopted by Gen. Emilio Aguinaldo (although the exact shade of blue is contested). The blue, red, yellow and white flag has an equilateral triangle on the left that encases the Sun and three stars. First raised during the June 12, 1898 proclamation of Philippine Independence. Note the mythological sun of the Naic Assembly flag is retained.




Flown from about 1904-1907
Flag of the Republika ng Katagalugan, a government established and led by Gen. Macario Sakay during the protracted Philippine-American War (1899-1914), with areas of influence covering Southern Luzon. The Republika ng Katagalugan was largely based on the original Katipunan, with Sakay being a Katipunero who worked under Bonifacio, and as such, reflected in the design of this flag that incorporated the letter K and the simple sun design of Bonifacio's war standard, also in red and white colors. 




_________

American Colonial Era


Flown from 1899 (Philippine-American War) -  about 1946
  • The flag of the United States was taught to be the flag of the Filipinos during the American colonial rule. Captured officers of the Philippine Republic and other freedom fighters were made to swear by it. In class, Filipino children were taught the the Bald Eagle flag was their flag. After the imperialist U.S. government tricked Sakay into surrendering and had him executed, it passed the Flag Law of 1907, Act No. 1696, outlawed the display or unfurling of Filipino flags, including that of the Malolos (Philippine) Republic and flags, banners, emblems, and symbols of the KKK. When the flag law was lifted in 1919, the U.S. (Star Spangled) banner was flown side by side with the Philippine flag until 1946. 
_________


Flown from about 1936* - Present
This is largely the present design of the flag as decreed by Manuel L. Quezon, President of the American-sponsored Commonwealth government, with the issuance of Executive Order No. 23 in 1936. Note that the mythological sun was replaced with a "solid golden sunburst without any markings." This flag was first used by the Philippines as a sovereign nation when the U.S. "granted" independence on July 4, 1946. 

According to section 4 of Republic Act No. 8491 issued in 1998,  The flag of the Philippines shall be blue, white and red with an eight-rayed golden-yellow sun and three five-pointed stars, as consecrated and honored by the people. Earlier in 1997, the blue in the national flag was changed from navy blue to royal blue, according to Flag Bulletin No. 180. Except for the exact shade of blue, the present flag has retained all specifications found in the 1936 flag decree. 


*The Philippine Flag was flown side by side with the American flag from 1936 to 1946 during the U.S.-sponsored Commonwealth government

__________

 

 Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Monday, June 18, 2012

Rizal at Bonifacio: Ang Pagwawangis at Paglilihis

ni Gurong  Daniel Mendoza Anciano


HINDI SAPAT para sa isa ang espasyo ng pedestal na maaring pagluklukan para sa isang natatanging pambansang bayani na ngayon ay okupado ni Jose Rizal. Sa kabila nito, ang kaangkupan ni Rizal sa pangingibabaw sa pantheon ng kabayanihan ay matagal ng panahon na binabatikos ng mga taong may higit na pagpapahalaga sa bayaning si Andres Bonifacio. Ang tunggalian ng mga mga maka-Rizal at maka Bonifacio ay hindi lamang nakapaloob sa kahalagahan ng nagawa nila para sa ating bayan kundi higit sa lahat ay ang kaangkupan ng dinadalang pilosopiya at reseta ng bawat isa bilang lunas na aksiyon sa mga sakit ng ating lipunan. Sa anumang pagsusuri ng buhay ng dalawang bayani ay malimit na ipakita ang kanilang pagkakaiba at paglalayo, ngunit sa isang malalimang pagsusuri ng kanilang buhay ay makikita ang napakaraming pagwawangis na kinulayan ng matingkad na paglilihis.
        
Kapwa sila isinilang sa unang hati ng dekada 60 ng nakalipas na siglo, nabuhay at nakisalamuha sa panahon ng kolonyalismo ng Espanya. Nagsagawa sila ng epektibong aksiyon upang ituwid ang tiwaling lipunang kanilang kinamulatan at sa dakong huli ang kanilang nagawa, ang naghatid sa dayuhang pamahalaan sa dapithapon ng kolonyalismo. Isinilang man sila sa iisang panahon ngunit pinag-ibayo naman sila ng pagkakataon. Isinilang si Rizal sa isang bahay na bato sa lalawigan, nagmula sa pangkat ng gitnang uri na noon ay nagsisimulang maging asertibo sa kanilang paghiling ng kapantayan na makilahok sa bumibilis na gulong ng kalakalan. Lumaki si Rizal sa pagkalinga ng kaniyang mga magulang (na naunahan pa niya sa kamatayan) at mga nakakatandang kapatid, partikular na dito si Paciano, na nagsilbing anino sa likuran ng bawat mapagpasiyang hakbang ni Rizal. Taliwas si Bonifacio, isinilang siya sa kalunsuran sa isang tipikal na bahay kubo sa maralitang distrito ng Tondo, nagmula sa mababang pangkat ng mga tao sa lipunan na tuwirang nakadarama ng diin ng pang-aapi, inhustisya, at pagsasamantala. Agad na inulila ng mga magulang at maagang naatangan ng pananagutan na mag-aruga at gumabay sa kaniyang mga nakakabatang kapatid sa pagtahak sa maunos na landas ng buhay.
        
Kapwa makabuluhan ang kanilang mga nagawa at kaisipan na naiambag sa ating lipunan at kasaysayan. Sa kabila ng kapwa nilang maikling buhay, muli't muling hinahalungkat ng mga iskolar ang kahalagahan at kabuluhan ng dalawa para sa mga henerasyong dumadaan. Sa kabilang kapwa makabuluhan buhay, ang batis ng pambiograpiya ay pinagwangki naman sila. Ang buhay ni Rizal ay halos detalyado sa lahat ng aspekto na ipinapakita ng kaniyang daan-daang dokumento at sangkaterbang litrato na ngayon ay nakasinop sa mga aklatan at arkibo. Ang pagbabatayan sa buhay ni Bonifacio ay ang ilang pira-pirasong dokumento na nagsasaad ng kaniyang mga huling taon, mga tagpi-tagping kuwento ng kaniyang mga naging kasamahan at nag-iisang larawan na tangi lamang kababakasan ng mukha ng taong nanguna sa pinakamapangahas at pinakamapagpasiyang pagkilos ng sambayan sa ating kasaysayan.
        
Kapwa sila uhaw sa karunungan at pala-aral sa kalagayan ng lipunan. May mga pagkakataon na nagkatulad pa sila ng mga aklat na binasa at nakapukaw ng kanilang kamalayang panlipunan. Ang magkatulad na pagkauhaw sa kaalaman ay hindi naman pinapagparayaan ng magkatulad na kapalaran, labis silang pinag-agwat sa hagdanan ng pormal na kaalaman. Si Rizal ay nagtapos ng lisensiyado sa dalawang kurso: Una ay sa Medisina; at pangalawa sa Piliospiya at Letra sa isang unibersidad ng Espanya. Si Bonifacio sa kabilang dako ay bahagyang natapos ang primarya at ang karagdagang kaalaman ay natamo niya sa dalawang larangan: Una ay sa kalsadang kaniyang ginagalawan; at ang ikalawa sa trabahong kaniyang pinasukan. Sa kabila ng magkaibayong antas ng edukasyon ng dalawa, sa panahong ang bayan ay naghanap ng magiging karibal ni Rizal sa luklukan ng pambansang kabayanihan hindi ang kaniyang mga kapantay sa kaalamang pormal ang itinapat sa kaniya kundi si Bonifacio na ang pormal na edukasyon ay halos nakasubsob sa ilalim ng pormal na paaralan.
        
Kapwa sila naging aktibong alagad ng Kilusang Propaganda sa panahon na malayo pa sa hinagap ang posibilidad ng isang himagsikan. Sa iisang kilusan na kinasasapian ngunit magka-agwat sila sa aspekto ng kalikasan ng pagkilos at heograpiya ng ginagalawan. Aktibo at nasa rurok ng kasikatan si Rizal sa Kilusang Propaganda sa pamamagitan ng kaniyang pagsulat ng dalawang nobelang panlipunan at mga artikulo sa La Solidaridad na noon ay nakabase sa Europa. Ang partisipasyon ni Bonifacio sa propaganda ay tahimik, hindi pansin, at nakapaloob lamang sa Maynila at limitado lamang sa pamumudmod ng mga babasahin ng propaganda sa kaniyang mga kakilala at ilang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas.
        
Kapwa sila alagad ng literaturang nagbabandila ng protesta, naghahasik ng pagkamuhi sa kalagayang pinananatili ng kolonyal na sistema at nananawagan sa isang pagbabagong panlipunan. Sa kabila nito ay makikita ang paglalaot ng kanilang mga paraan, lawak, istilo, wika, at layunin. Si Rizal sa malaking bahagi ng kaniyang panulat ay nasa anyo ng nobela at mga artikulong may maka-iskolar na pagtrato, ginamit ang wikang Espanyol, at makikitahan ng kapinuhang panliteratura. Hinikayat ni Rizal ang kaniyang mga mambabasa na itaboy ang dilim ng panatismo at pamahiin sa pamamagitan ng liwanag ng karunungan at abutin ang kapantayang kultural at intelekwal sa ating mga mananakop upang maging isang mabisang sandata sa isang ebolusyong panlipunan. Sentro ng pagbatikos ni Rizal ang frailocracia na noon ay nagsisilbing moog ng pyudal na kaisipan at humahadlang sa pagdaloy ng liberalismo at reporma sa kolonyal na gobyerno. Si Rizal bilang isang repormista ay nakikita pa ang posibilidad na masulsihan pa ang ang naagans na retaso ng kolonyalismo. Ganap ang kataliwasan ni Bonifacio, ginamit niya ang wikang Tagalog sa kaniyang maiikling artikulo na sinasabi ng ilan na "magaspang" at "hubad sa bulaklak ng retorika." Sa kabila ng "kababawan" at "hindi repinado" ng kaniyang sulatin ay tuwiran niyang hinikayat ang sambayanang Pilipino sa pag-aaring ganap ng isang higit na agresibong aksiyon upang patirin ang kadena ng kolonyalismo na mariing sumasakal sa buhay at kaisipan ng kaniyang mga kababayan. Kay Bonifacio ay walang pagkakaiba ang frailocracia at ang kolonyal na burukrasya, hindi ang pagsusulsi ng agnas na retaso ng kolonyalismo ang dapat na maging katugunan kung hindi ang paghahangad ng bagong retasong panlipunan na hahabiin ng mga kamay ng mga taong lalahok sa himagsikan.
        
Kapwa laman ng isipan ng dalawa ang armadong opsiyon sa pagbabagong mukha ng lipunan at pinaglaro nila ito sa kanilang mga kaisipan. Ang magkaparehong pagmumuni ng armadong pakikibaka sa isipan ay inilapat nila sa magkaibang kinalalagyan. Ang armadong opsiyon ni Rizal ay makikitang dinala ng kaniyang mga tauhang sina Elias at Simoun, pinaglaruan niya ang katumpakan at kahinaan ng armas bilang kasangkapan sa pagbabagong anyo ng lipunan, ngunit natakot si Rizal na ang himagsikan sa kaniyang isipan ay malipat at maganap sa mismong lipunan, kaya ito ay kaniyang kinulong at kinitil pa sa pahina ng panitikan. Para kay Bonifacio, bigo ang ebolusyonaryong bisyon na ibinabandila ng mga repormista at ang pagsasakatotohanan sa lipunan ng isang rebolusyon ang tanging landas na tatahakin ng sambayan sa pagtatamo ng kanilang inaadhiang kasarinlan.
        
Kapwa naimpluwensiyahan sila ng martiyo ng GOMBURZA noong 1872 at kinikilala nila ang binhi ng tatlong paring martir sa pagsibol ng kolektibong nasyonalismo ng sambayang Pilipino, ngunit ang paraan ng paghanga ay isinagawa sa magkaibang paraan. Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang pang-inbestiga kung papaanong ang repormista ay isinangkot sa krimen na ang mga prayle ang tunay na nasa likuran. Dinakila ni Rizal ang GOMBURZA sa paghahandog nito ng kaniyang El Filibusterismo. Nag-inbestiga rin si Bonifacio sa tunay na pangyayari sa kaso ng GOMBURZA noong kaniyang direktang litisin at ipabitay ang mga nabihag na prayle sa Cavite. Dinakila rin ni Bonifacio ang GOMBURZA sa pamamagitan ng paggamit na nasabing panitik bilang senyales ng isa sa mga pangkat ng Katipunan.
        
Kapwa sila pulitiko na humarap sa magkahiwalay na halalan na isinagawa ng kanilang mga kababayan na nagbunga ng kanilang paghiwalay sa mga dating kasamahan. Si Rizal ay natalo sa hinihinging mayorya sa halalang ginanap ng mga repormistang paisano sa pagpili ng kanilang magiging pinuno sa Madrid, ito ang simula ng alitang Rizal at Marcelo del Pilar. Si Bonifacio ay natalo sa ginanap na unang halalang pampangaluhun na ginanap sa Tejeros na nagbunga ng kaniyang paghiwalay kay Emilio Aguinaldo at sa huli ay ang pagpaslang sa kaniya ng mga dating kasamahan.
        
Kapwa mahalaga sa dalawa ang unang linggo ng Hulyo 1892. Noong Hulyo 3, 1892 (Linggo) nagtagpo sa una at huling pagkakataon sina Rizal at Bonifacio ng itatag ng huli ang La Liga Filipina. Simbolikal ang pagtatagpo na ito nagsilbing parang isang transisyon ng ng dalawang historikal na nilalang sa sentro ng politikang kontra kolonyal. Ang pagtatag ni Rizal ng La Liga Filipina ay sinundan ng pagpapatapon sa kaniya sa Dapitan at panimula ng kaniyang pagkakahimbing pulitikal. Noong Hulyo 7, 1892, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan na hudyat ng kaniyang pangingibabaw sa larangan ng kontra kolonyal na pakikibaka.
        
Kapwa sila pinuno ng Kilusang Katipunan, pamumuno na may magkaibang katayuan at kalikasan. Si Bonifacio, ang supremo ang aktibong nagpakilos, nagpalaganap, nagpalakas, at naghanda ng kilusan para sa ilulunsad na himagsikan. Samanatalang si Rizal na noon ay walang kamalay-malay sa mga kaganapan sa Kamaynilaan, ang inilagay na pangulong pandangal ng samahan.
        
Kapwa sila biktima ng puwersang panlipunan na kanilang pinasimulan sa pamamagitan ng pagbabayad ng kanilang mga buhay. Ang repormistang si Rizal na ang mapanuring panulat ay nakagising sa kaniyang mga kababayan sa pangangailangan ng pagbabago sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan ay pinaratangan na nasa likod ng himagsikan. Si Bonifacio naman na nagsindi ng mitsa ng himagsikan ay pinagbintangan ng kaniyang mga kasamahan ng "pagtataksil" laban sa rebolusyon na kaniyang pinamunuan at pinasimulan.
        
Kapwa sila mga biktima ng mga hukumang hubad sa kredibilidad. Ngunit ang pinakamalaking kablintunaan ay si Rizal na nanalig hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay sa posibilidad ng reporma mula sa mga dayuhang kapangayrihan ay nilitis ng bengatibong korte militar ng Espanya. Samantalang si Bonifacio na naglagak ng pagtitiwala sa kakakayahan ng mga kaniyang mga kababayan sa pagpapalaya ng bayan ay nilitis ng makiling na korte militar ng gobyernong rebolusyonaryo ng mga Pilipino.
        
Kapwa sila nagsalo sa iisang tulang pahimakas. Isinulat ni ni Rizal sa Kuta ng Santiago ang kaniyang Mi Ultimo Adios sa bisperas ng bitayan. Pagkatapos ng martiryo ni Rizal, ang kaniyanga asawa na si Josephine ay nagtungo sa Cavite, dito ay hiniram ni Bonifacio ang orihinal na tula ni Rizal at isinalin ito sa wikang Tagalog. Kung mayroon mang maangkin si Bonifacio na kaganapan para sa kaniya sa nasabing tula ay ang hanay na nagpapahiwatig ng ganito.
Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat
at walang krus at batong mabakas
bayaang linangin ng taong masipag
lupa'y asarolin at ikalat

Kapwa sila biktima ng malagim na bitayan sa huling hati ng dekada 90 ng nakalipas na daantaon. Magkatulad na kamatayan sa magkabalintunang lugar na kinaganapan. Si Rizal na isinilang sa lalawigan ay hayagang binitay sa pampublikong lugar sa kalunsuran. Si Bonifacio na isinilang sa kalunsuran ay palihim na binitay sa paanan ng bundok sa lalawigan.

"The Martyrdom of Rizal" (1964) ni Carlos "Botong"  Francisco       -     "Ang Wakas ni Andres Bonifacio" (1963) ni Carlos Valino, Jr.
         
Kapwa sila biktima ng inhustisya sa panahon ng kanilang buhay at sa kasalukuyan, ang kanilang kamatayan ay ibinabalot pa rin sa misteryo ng kasaysayan. Magkaibang salarin na hindi matatawaran ang impluwensiya hanggang sa kasalukuayan. Ang salarin ni Rizal ay pinagtatakpan ng simbahan at ang salarin ni Bonifacio ay pinagtatakpan ng mga inapong maimpluwensiya pa rin sa pamahalaan.
        
Kapwa ginugunita ng bayan ang kanilang ala-ala sa pamamagitan ng pambansang tanging araw na magkaiba ang pinag-uukulan. Si Rizal sa araw ng kaniyang kamatayan, samantalang si Bonifacio sa araw naman ng kaniyang kamatayan. Mapansin din sana ang insidente ng pagkakataon, ang buwan ng Nobyembre (30) na kapanganakan ni Bonifacio ay sinusundan ng Disyembre (30) na buwan ng kamatayan ni Rizal. Ang buwan ng Mayo (10) na buwan ng kamatayan ni Bonifacio ay sinusundan ng buwan ng Hunyo (19) na kapanganakan ni Rizal.


-------------------------------------------------------

Ang may-akda ay guro ng Kasaysayan ng Pilipinas sa Cavite State University, Indang, Cavite.
Inilithala sa kanyang orihinal na porma sa FILIPINO MAGASIN (FILMAG) noong 1997.



UKOL sa MGA LARAWAN:
 
"Ang Wakas ni Andres Bonifacio" ni Carlos Valino Jr.
ay nanalo sa  1963 Andres Bonifacio Centennial Art Contest. Ang larawan ay kinopy ni Prop Michael Chua sa aklat na Tragedy of the Revolution (akda ni Adrian E. Cristobal) subali't ito ay masusulyapan ng buo ngayon sa Bulwagang Katipunan ng Manila City Hall.

"The Martyrdom of Rizal" ni Carlos "Botong" Francisco na nilikha noong 1964 ng naging National Artist for Painting1964 Republic of the Philippines Cultural Heritage awardee ay sinasabing nasa private collection ngayon.



 Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

total pageviews since july 2010