Friday, March 30, 2012

Mga Kuwento at ang Pagdakila ni Ka Joma kay Horacio "Boy" R. Morales, Jr.

by Prof. Jose Maria Sison
Founding Chairman,Communist Party of the Philippines
Chief Political Consultant
NDFP Negotiating Panel



Horacio "Boy" R. Morales, Jr.
By way of honoring Horacio “Boy” Morales, I wish to recall his relations with the Communist Party of the Philippines (CPP), the National Democratic Front of the Philippines and the New People’s Army and his contributions to the revolutionary movement within the range of my personal knowledge and on the basis of reports of comrades.

The first time I became aware of Boy’s connections to the revolutionary movement was in 1975 when he sent to me a letter through Jimmy S., a staffer of the CPP National Liaison Committee (NLC). His letter proposed certain kinds of projects that could be undertaken to improve the people’s livelihood and advance the revolution.

Jimmy S. also informed me that Boy was being developed to become a member of the CPP by certain comrades in the Development Academy of the Philippines, that he knew and encouraged the formation of NDF cells and the recruitment of CPP members in the DAP and allowed the use of DAP vehicles and facilities by the NDF, CPP and NLC.

Before I became aware of Boy’s involvement in the revolutionary movement, I had always thought of him as a key member of the so-called Paeng Salas’ boys. His first letter to me was followed by another one with a copy of the so-called Countryside Development, which had been prepared by Sixto Roxas. He wrote to me that the CPP could probably improve the plan and use it.

My communications with Boy ceased in 1976. But I continued to monitor what he and others were doing in DAP through Jimmy S. and other comrades.

When I was in prison, I learned that Boy had dramatically defected to the revolutionary movement on the very night that he was to receive the TOYM award. The news raised my spirit. I was proud of what he did.

The account of Alan Jazmines covers well the initiation of Boy into the life of the New People’s Army and the people in the countryside and his eventual assignment to the NDF. It was while working for the NDF that Boy was arrested and detained.

After the downfall of the Marcos fascist dictatorship in 1986, Boy joined me in the Preparatory Commission of the Partido ng Bayan. We met and talked many times. We were often in the same forums, seminars and conferences. Boy helped in establishing the Partido ng Bayan. He subsequently ran as one of its senatorial candidates.

In connection with his work in PRRM and other engagements, he made frequent trips to The Netherlands from 1988 onwards. Thus, we had several opportunities of discussing the Philippine situation and what is to be done, especially in the legal mass movement and in the field of socio-economic development. He was always receptive to advice on projects beneficial to the people.

Rep. Jose V. Yap brought Boy along in meetings to explore the holding of peace negotiations between the Manila government and the NDF from 1989 onwards. Boy was around to help the delegation of the Ramos government when The Hague Joint Declaration, the framework agreement for peace negotiations, was negotiated and signed in 1992. When Howard Dee became chairman of the GRP negotiating panel in 1994, he diminished the possibility for Boy to help in the peace negotiations.

Boy was always willing to help the patriotic and progressive forces even when he increased his work for certain bourgeois presidential candidates and even when he became Secretary of Agrarian Reform under the Estrada administration. He was one of two major government officials who encouraged Estrada to do what Ramos had failed to do, sign the Comprehensive Agreement for Respect for Human Rights and International Humanitarian Law in 1998.

Boy was never arrogant towards anyone in the revolutionary movement even when he held his high position in government. He was approachable and helpful. After Estrada fell, he continued to be in touch with me and arranged my dialogues with certain personages. I am told that he cooperated enthusiastically with the progressive forces in opposing and isolating the Arroyo regime and seeking its ouster.

Boy had a high capacity for achievement and expressed his political views clearly, honestly and modestly. Even when he had views different from those of the revolutionary forces, he never sought to impose his views on the whole or any part of the revolutionary movement and certainly he never attacked the movement for not accepting his views on certain issues. He was ever ready to find a common ground and contribute what he could to the revolutionary movement. ###

(Reprinted with permission from Mr. Joma Sison)

 _______

Source:

Sison, Jose Maria.  IN HONOR OF HORACIO “BOY” R. MORALES, Jr. 17 March 2012. http://www.josemariasison.org/?p=10386


Raw Photo Credit:

 http://www.laligapilipinas.org/index.php

.

 Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

Friday, March 23, 2012

Mga Amerikanistang Taksil sa Bayan

ni G. Rogelio L. Ordonez


MATAPOS ideklara ni Hen. Emilio F. Aguinaldo ang burges-liberal na kasarinlan ng bansa noong Hunyo 12, 1898 sa balkonahe ng kanyang mansiyon sa Kawit, Kabite -- makaraang makalaya sa kolonyalismong Kastila -- at nang luminaw ang gahamang layunin ng Amerikang sakupin at pagsamantalahan ang Pilipinas, marami agad ang bumalimbing sa uring ilustrado't elitista, ipinagkanulo ang kapakanan ng masa, pinagtaksilan ang pambansang soberanya, at naging garapalang Amerikanista.

Pinangalagaan ang oportunistang mga interes, humimod agad sa tumbong ng Amerika ang mga ilustradong nakapaligid at nang-uto kay Aguinaldo sa Kongreso ng Malolos, gaya nina Pedro A. Paterno, Benito Legarda, Pardo de Tavera, Jose Luzurriaga, Cayetano Arellano, Felipe Buencamino, Florentino Torres, Victorino Mapa, at iba pang patuloy na itinuturing na mga "makabayan" at nakabalandra pa magpahanggang ngayon ang mga pangalan sa mga kalye, paaralan at pampublikong mga lugar.




Sa kanilang mga pahayag sa Schurman Commission sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, sinalaula nila't ipinampunas ng puwit at paa ang dignidad ng mga Pilipino at walanghiyang ipinoroklama ang labis na pamamanginoon agad sa dayuhang mananakop. Halimbawa, nang tanungin ng naturang komisyon si Arellano kung kaya na ng mga Pilipinong magsarili at pamahalaan ang bansa, tuwirang ipinahayag ng Kapampangang si Arellano: "May bahagyang kakayahan ang ilan. Sa ilang lalawigan, halimbawa, sa Pampanga... ang mga mamamayan ay may sapat na kaalamang magpalakad ng kanilang pamahalaan ngunit hanggang doon lamang; hindi sila maaaring magsarili."

Bilang pagsisipsip agad sa mga Amerikano, sinabi naman ni Tavera: "Pagkatatag ng Kapayapaan, lahat ng ating pagpupunyagi ay dapat iukol sa ating pagiging maka-Amerikano; kinakailangang palawakin at gawing panlahat ang kaalaman sa wikang Ingles upang maangkin natin ang kanilang ugali at kabihasnan, sapagkat ito lamang ang ating ganap na katubusan."

Higit na nakasusuka ang sinabi ni Buencamino: "Ako'y isang Amerikano at lahat ng salapi ng Pilipinas, sampu ng hangin, liwanag at araw ay aking ipinalalagay na Amerikano."

Hindi nasiyahan sa mga pahayag lamang, lubos silang nakipagsabuwatan sa Pamahalaang Amerikano, nagtatag ng mga partidong lubos na kikilala sa kapangvyarihan ng mga Amerikano at, kung maaari, gawin nang isa sa mga estado ng Estados Unidos ng Amerika ang Pilipinas. Ito ang mga Partido Federal, Partido Conservador at Asociacion de Paz na pinangunahan nina Pedro Paterno, Macario Adriatico, Gregorio Singian, Justo Lukban, Enrique Barredo, Leon Ma. Guerrero, Felipe Buencamino, Rafael Palma, Pascual Poblete, Nazario Constantino, Joaquin Lara, at iba pang mga ilustradong nagsipagtaksil sa masa ngunit dinakila pa rin ng mga hindi mulat sa tunay na kasaysayan ng bansa bunga ng mga aklat pangkasaysayang sinulat ng mga historyador na nakukubabawan ng utak-kolonyal.

Minana ng sumunod na pambansang liderato ang pagiging Amerikanista. Sa panahon lamang nina Quezon, Osmena at Roxas, nagkasunud-sunod ang mapaminsalang mga tratadong pabor lamang sa mga Amerikano, gaya ng Parity Rights, Bell Trade Act, Laurel-Langley Agreement, at iba pa. Maging sa sumunod na mga rehimen, mula kay Quirino hanggang kina Magsaysay, mula kay Garcia hanggang kina Macapagal, Marcos, Aquino at Ramos, hanggang kina Estrada at Macapagal-Arroyo, at maging kay Noynoy ngayon, hitik ang kasaysayan ng bansa ng pagtatraydor ng mga lider-pulitiko sa tunay na pambansang kapakanan. Sa rehimen na lamang ni Erap, isinalaksak sa lalamunan ng sambayanan ang kontrobersiyal na VFA (visiting forces agreement) na ginawang tuntungan ngayon ng nakabalatkayong pagsasanay-militar o Balikatan bunga ng walanghabas na pagsuporta ng pambansang liderato sa terorista't mapandambong na mga patakaran ni Uncle Sam.

Lubusan mang mapinsala ang kapakanan ng bayan at ibenta man ang kinabukasan ng susunod pang mga henerasyon, agad na ipinalulunok sa sambayanan ng pambansang lideratong nakaugaliang humimod sa kuyukot ni Uncle Sam ang mapaminsalang globalisasyon, liberalisasyon, kontraktuwalisasyon, pribatisasyon at iba pang maka-Amerikanong programang tuluyang lalamon sa pambansang ekonomiya at magbubulid sa bansa sa higit pang malaganap na karalitaan.

Hindi tuloy katakataka, at makatwirang isipin, na maaaring sa malapit na hinaharap, muling igigilgil na naman ng walang gulugod at Amerikanistang pambansang liderato ang pagbabago sa Konstitusyon upang iakma sa gahamang interes ng Amerika. Malamang kaysa hindi, kapag binago ang kasalukuyang Konstitusyon ng bansa, pahihintulutan nang makapagmay-ari dito ng mga lupain, makapagpatakbo ng mga serbisyo publiko gaya ng tubig at elektrisidad, transportasyon at telekomunikasyon, at maging mga ospital at paaralan at mass media na, kung tutuusin, ay dapat na kontrolado lamang ng mga Pilipino. Sa maikling salita, buung-buong ipalalamon nila ang bansa sa mapandambong at mapambusabos na dayuhang mga interes.

Pero, sa aba naming palagay, hindi natutulog ang kasaysayan at patuloy na isusumpa ng mulat, makabayan at progresibong mga mamamayan ang mga Amerikanistang taksil sa bayan!

(May pahintulot na pagsipi ni Rogelio L. Ordonez)

___________


*Si G. Rogelio L. Ordonez ay isang premyadong manunulat si – kuwentista’t nobelista, makata’t peryodista — Gantimpalang KADIPAN sa sanaysay at maikling kuwento, Gantimpalang Liwayway sa nobela, Gawad Balagtas sa pamamahayag, Pambansang Alagad ni Balagtas sa literatura, Jose Rizal National Centennial Commission sa sanaysay, atbp. Dati rin siyang kagawad ng patnugutan ng Pilipino Free Press, kapatid na magasin noon ng Philippines Free Press. Naging kagawad din siya ng patnugutan ng Asia-Philippines Leader sa ilalim ng pamamatnugot ni Nick Joaquin at naging kolumnista din ng Tempo at Diario Uno. Dati siyang Editor-in-Chief ng Pinoy Weekly at kasalukuyang Tagapangulo ng Lupong Patnugutan nito.Isa siya sa limang awtor ng Mga Agos sa Disyerto, kalipunan ng piling maiikling kuwento sa Filipino, gayundin ng mga nobelang Limang Suwail at Apoy sa Madaling Araw.


 Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

total pageviews since july 2010