ni Jesusa Bernardo
MAY apat na kapatid si Andres Bonifacio y de Castro, ang "Ama ng Himagsikan" at Supremo ng Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan (ang lihim na samahang itinatag upang palayain ang Pilipinas/Taga-Ilog mula sa Espana). Ito ay sina Ciriaco, Procopio, Petrona* at Troadio. Nang sila ay naulilang lubos sa mga magulang, si Gat Andres ang panungahing umako ng tungkuling buhayin ang pamilya.
Ayon kay G. Hermenegildo Cruz, may akda ng "Kartilyang Makabayan," kumilos nang husto ang batang si Andres para sa kanyang pamilya.
Upang siya'y mabuhay at sampu n~g kanyang m~ga kapatid, binatak ang sariling buto't siya'y nagbili n~g m~ga tungkod (baston) at m~ga pamaypay na papel na ginagawa niya sa loob n~g kanilang bahay....
Narito ang isang tulang sinulat ni Supremo Bonifacio patungkol sa kanyang naging paninda--ang abaniko o pamaypay. Ginawa sa wikang Kastilang, ang maikling tula na ito ay pinamagatang "Mi Abanico" (Ang Aking Abaniko).
MI ABANICO
ni Gat Andres Bonifacio
Del sol nos molesta mucho el resplandor,
Comprar un abanico de quita el sol;
Aqui sortijas traigo de gran valor,
De lo bueno acaba de lo major,
De lo major.
El abanico servi sabeis para que?
Para cubrir el rostro de una mujer,
Y con disimulo podreis mirara,
Por entre las rajillas del abanico
Vereis la mar.
Nota: Ayon kay G. Cruz ang pangalang "Petrona" subali't maraming batis ang nagsasabing ang pangalan ng kapatid niyang babae ay "ESPERIDIONA."
_________
Mga Sanggunian/Pinagkunan:
http://www.oocities.com/valkyrie47no/abanico.htm
Cruz, Hermenegildo. Kartilyang Makabayan. Lupong Tagaganap" ng ARAW NI BONIFACIO, 1933. Project Gutenberg EBook #148822, January 28, 2005.
http://www.gutenberg.org/files/14822/14822-h/14822-h.htm
Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.
No comments:
Post a Comment