Ang unang kabanata ng 'KATIPUNAN' na serye sa telebisyon na nilikha taon sa pagpasok ng taon ng pagdiriwang ng BONI@150. Tamang-tama upang ating makilala ng husto ang ating Supremo, ang Katipunan.
"Sa unang kabanata ng "Katipunan", kilalanin ang magpinsang sina Sebastian at Pacquing, at ang kaibigan nilang si Teresa. Habang si Sebastian ay naglilingkod bilang sakristan, nananatili namang malayo ang loob nina Pacquing at Teresa sa simbahan.
"Samantala sa kalunsuran, patuloy ang pagsusulat ni Andres Bonifacio para sa teatro kasama ang mga kaibigang sina Aurelio Tolentino at Macario Sakay. Sa kanyang mga dula unang ipinasok ni Bonifacio ang mga ideya niya tungkol sa pagpapalayas ng mga mapang-aping Espanyol paalis ng Pilipinas."
Gumanap ng mga Bida:
Sid Lucero bilang Andres Bonifacio
Glaiza de Castro bilang Gregoria de Jesus
Benjamin Alves bilang Sebastian
Dominic Roco bilang Pacquing
Jerald Napoles bilang Macario Sakay
Katipunan Crew:
Creator: Jaileen Jimeno
Program Manager: Nowell Cuanang
Executive Producer: Jays Bernard Santos
Director: King Marc Baco
Writer: Ian Victoriano
Historical consultants: Dok Lars Ubaldo & Prop. Xiao Chua
Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.
No comments:
Post a Comment