Pages

Wednesday, January 4, 2012

Ika-200 Taon ng Kapanganakan ni MELCHORA AQUINO o "TANDANG SORA"

Updated January 6, 2010


BICENTENNIAL/Ika-200 Taon ng Kapanganakan ni MELCHORA AQUINO, ang "Ina ng Katipunan."

Sa Biyernes, Enero 6, 2012 na ang ika-200 taon ng kapanganakan ng ating bayaning si Melchora Aquino, kilala rin bilang "TANDANG SORA."

********


Ililipat mula Himlayang Pilipino ang labi ni Melchora Aquino papunta sa lugar ng kanyang kapanganakan sa Banlat Road sa Tandang Sora, Quezon City. Ang mga seremonya na maguumpisa sa Enero 5 ay bahagi ng Ika-200 Taong Paggunita sa Kapanganakan ng bayani. Ang 2012 ay deklaradong Taon ni Tandang Sora sa Siyudad ng Quezon.

Sa Enero 5 ay dadalhin muna sa Quezon City Hall ang kanyang mga labi sa isang funeral procession. Kinabukasan, Enero 6, sa mismo kapanganakan, ay magkakaroon ng ikalawang funeral procession kung saan ilalagak na sa permanenteng hantugan ang mga labi ng matandang bayani sa Tandang Sora Shrine.






Brief Biography:

On August 29, 1896, on the day Katipuneros started the general uprising of the Himagsikan against the colonial Spanish Government, Melchora Aquino is arrested by the Guardia Civil for giving aid to the Filipino revolutionaries--risking her life giving shelter and food to the Katipuneros. Tandang Sora, the Grand Old Lady of the Katipunan, was incarcerated at the Bilibid Prisons and later deported to Guam.

Who is Tandang Sora? Excepts from the article of  artist and former National Historical Commission researcher Tony Donato:
Si “Tandang Sora"...ay ipinanganak sa maranyang pamilya ng magsasaka na sina Juan Aquino at Valentina de Aquino, noong Enero 6, 1812, sa barrio Banlat, Caloocan, Rizal (na ngayon ay Balintawak). Melchora, sa kaniya’y ipinagalan, ugma sa araw ng kaniyang kapanganakan, isa sa mga tatlong haring (Melchor, Gaspar at Baltazar) naghandog parangal sa pagsilang ni Hesus Kristo.
May katangiang ganda si Melchora at kaya naman siya ay laging napipiling maging Reyna Elena pag sapit nang Santacruzan. Kay ganda rin ng kaniyang tinig tuloy laging naiimbitahang umawit sa mga “pabasa” pag sapit ng mahal na araw, ng “Pasyong Mahal”. Kaya naman kay daming kalalakihang naakit at lumigaw sa dalaga, at sa wakas ang nakabihag ng kaniyang puso ay si Fulgencio Ramos na naging isang “cabeza de barangay”. Sila’y nagkaroon ng anim na supling: Juan, Simon, Estefania, Juana, Romualdo at Saturnina. Maagang binawian ng buhay ang kabiyak ni Melchora, at sapilitang ginampanan niya ang maging ama at ina ng kaniyang mga anak. Siya rin ang nagpatuloy sa pamamahala nang taniman na naiwan ng kaniyang kabiyak.
Isang araw, 23 ng Agosto, 1896, mga Katipunerong sugatan, gutom, pagod sa pakikidigma, bigla na lang kumatok sa kaniyang pintuan at humingi ng tulong sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Kaniya namang pinatuloy, ginamot ang mga sugatan, pinakain at pinagpalipas nang gabi sa kaniyang tahanan. Kinaumagahan kaniyang pinagkalooban pa ang mga Katipunero nang 100 caban na bigas, 10 kalabaw, mga gamot, damit at ano-ano pang mga pangagailangan. Patuloy ang pagdalaw sa kaniya ng mga Katipunero at patuloy din ang kaniyang walang sawang pagtulong...

Sa pakiusap ni Bonifacio, si Tandang Sora kasama ang kaniyang mga anak ay nagsipagtago sa Novaliches sa dahilang pagkalat nang balitang pagtulong niya ng puspusan, patuloy na pagkubli sa bukirin niya, paggagamot sa sugatan at maysakit, na mga Katipunero. Agosto 29, 1869, sa inaasahang pangyayari, siya ay natuntunan at nadakip ng mga “Guardia Civil” sa Pasong Putik, Novaliches. Sa bahay ng “cabesa de barangay” siya ay pansamantalang piniit. Kinabukasan siya ay nilipat sa piitan ng Bilibid, Maynila at dito’y siya ay pinahirapan at ininteroga upang mabatid ng mga Kastila ang pinagkukutahan nila Bonifacio at Katipunan. Gaano man ang pagpapahirap at pagwalang galang sa kaniyang pagkatao ay hindi niya pinagkanulo si Bonifacio at ang ginagalang niyang Katipunan. Nang magsawa na ang mga Kastila sa pagpapahirap at walang makuhang impormasyon kay Tandang Sora, sa kautusan ni Gobernador Heneral Ramon Blanco, ang matandang Sora kasama ang maraming rebolusiyonariyong Pilipino ay pinatapon sa Agana, Guam.


Gaano kabait si Tandang Sora at paano siya pumanaw sa mundong ito? Ayon sa website ng Tagalog Lang:

Kung si Gat Bonifacio ay nabubuhay at makapagsásalitâ ng náúukol kay tandáng Sora, disin ay nakábasa tayo ng isáng magandáng halimbawà sa kanyáng iuulat na dîsapalà ay pawang papuri sa babaing itó na siyáng tunay na "Iná ng mga Katipunan."

Ang mga salitáng "kumain ka na ba kapatid" at isáng ngitíng namamalayláy sa kanyáng mga labì ay tila nákikinitá ko pa hanggang ngayón. Ang mga salitáng yaón ay siyá niyáng bati at panalubong sa waláng patláng na mga katipunang sa maghapon halos at sa loób ng mahigit na dalawáng buwán ay kanyáng kinailangang parang mga tunay na anák.

Tinawag sa sinapupunan ni Bathalà niyaóng iká 2 ng Marzo ng taóng 1919 [sa panahon ng imperyalistang Amerikano] sa gulang na isáng daan at pitóng taón.

Ang kanyáng bankáy ay iniwi ng mga "Labí ng Hímagsíkan" na siyáng nangasiwà sa paghahatíd sa kanyáng hulíng táhanan."


********


Details of the Bicentennial celebration according to the Quezon City website:

In commemoration of the bicentennial year of her birth, Melchora "Tandang Sora" Aquino's remains will be officially transferred to the Tandang Sora shrine at Banlat Road.

On January 5 [2012], Tandang Sora's remains will be exhumed and placed in a flag-draped casket that will be carried by a horse-drawn carriage during a funeral procession from the Himlayang Pilipino to Quezon City Hall.

Military and police personnel will provide escort assistance during the funeral procession.

At QC Hall, there will be a funeral ceremony where people will have the opportunity to offer their final respects to Tandang Sora, who has been recognized for her exceptional heroic contributions in the struggle for Philippine Independence and Liberation despite her advanced age.

"City hall officials will be joined by descendants of Tandang Sora, especially officers and members of the "Mga Apo ni Melchora (Tandang Sora) Aquino Association Inc., in welcoming the heroine's remains.

An overnight vigil will also be held at QC Hall hosted by the cultural and tourism affairs office, office for senior citizens affairs, scholarship and youth development program, general services department and the Liga ng mga Barangay.

On January 6 [2012], the 200th birthday of Tandang Sora, a memorial mass in honor of heroine will be held at the QC Hall before her remains will be finally transferred to the Tandang Sora shrine for re-interment.

Tandang Sora's remains will also be carried by a horse-drawn carriage during a funeral procession, this time, from QC Hall to the Tandang Sora shrine.

His Excellency President Benigno S. Aquino III will be the guest honor and speaker of the re-interment ceremonies at the Tandang Sora shrine. Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte and Quezon City government officials will be on hand for the ceremonies.

These activities are being done by the Quezon city government in cooperation with the National historical Commission of the Philippines.

The year 2012 has also been declared as Tandang Sora Year by the QC government through Ordinance No. SP-2092, S-2011.


Source: http://www.quezoncity.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=515%3Atandang-sora-bicentennial&catid=69&Itemid=366

___________

Iba pang mga Batis:


http://www.quezoncity.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=515:tandang-sora-bicentennial&catid=69&Itemid=366



Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

No comments:

Post a Comment