Pages

Sunday, March 20, 2011

Corruption in the Philippine Air Force early on exposed by Capt. Joenel S. Pogoy

 (Transcript of the video by Jesusa Bernardo)


Before the revelations made in line with the Senate probe on AFP comptroller Carlos Garcia, there was the expose made by Capt. Joenel S. Pogoy. In this 2008 video, Pogoy discusses the corruption in the Philippine Air Force, which is basically centered on the illegal cannibalization of two (2) of the at least four (4) C-130 planes to supply the spare parts of those allowed to fly. The wanton corruption lies in how the cannibalized spare parts are passed off as brand new, complete with procurement papers. After this video was uploaded to YouTube, Capt. Pogoy was detained for two years, almost losing his life after an apparent poisoning attempt inside his cell. (More about his story here).








MAALAB na pagbati sa mga Pilipinong may natitirang pagmamahal sa Inang Bayan. Dahil sa inyong buwis, ang Philippine Air Force ay dapat simbulo ng inyong dugo, pawis, at paghihirap. Kaya nais kong iparating sa buong sambayanan ang tunay na estado ng inyong Philippine Air Force na kinabibilangan ko.

Kaya bilang piloto at opisyal ng Philippine Air Force, obligasyon ko na pangalagaan ang mga eroplanong ipinagkatiwala ninyo sa amin upang kami ay makapagserbisyo ng tapat lalong-lalo na sa panahon ng trahedya, kalamidad at iba pang pangangailangan ng bayan.


Konsepto ng PAF


PAF STRUCTURAL SET-UP

Ang konsepto ng inyong Philippine Air Force ay ganito: mayroon tayong mga eroplano. Mayroon tayong mga sundalo at sibilyan, at mayroon tayong badget mula sa Kongreso.


PAF BUDGET

- ang badget ng PAF ay nakalaan unang-una sa gasolina ng eroplano, pambili ng piyesang [ka]kailanganin sa buong taong liparan ng eroplano, at sapat na deployment fund para sa mga gulong ng mga eroplano.


PAF SOLDIERS' BUDGET

Ang ibang badget naman ay nakalaan para sa sahod ng mga sundalo at sibilyan, pagpapagawa ng mga barracks, pambili ng mga office materials, pambayad ng kuryente at tubig, panggastos ng sports activities, at iba pang operational expenses ng opisina.


PAF AIRCRAFT ACCIDENTS

Taon-taon lumiliit ang bilang ng ating mga eroplano dahil lagi na lang [may mga] bumabagsak. Taon-taon din ay halos walang pagbabago sa bilang ng mga kasundaluhan dahil laging may mga pinapalit na mga bagong sundalo sa mga nagreretiro na.

Nguni't ang pinakamasaklap sa lahat ay taon-taon ay palaki ng palaki ang badget ng Philippine Air Force.


PAF BUDGET vs. PAF AIRCRAFT

Pakonti ng pakonti ang bilang ng mga eroplano habang palaki ng palaki naman ang badget ng Philippine Air Force taon-taon.

Tapos hanggang ngayon, napipilitang mangupahan ng tirahan ang karamihan sa ating mga Air Force soldiers dahil wala daw sapat na pera pampagawa ng barracks. (SOLDIERS NO QUARTERS!)

At hanggang ngayon, kahit alam nating lahat na palagi tayong dinadaanan ng bagyo, iilan lamang mga eroplano ang ginagamit sa panahon ng kalamidad. Panoorin n'yo na lamang ang ilang mga videos tungkol sa bagyong Ondoy at trahedya sa dagat para sa inyong dagdag na kaalaman. (BINULSA NG ILANG MGA PAF OFFICERS!)


PAF SYSTEMIC CORRUPTION

Ngayon, atin namang tingnan ang halimbawa ng C-130 para maintindihan ng lahat ang sistematikong katiwalian sa mismong hanay ng mga opisyal ng Philippine Air Force.

Sa inbentaryo ng PAF, mayroon tayong at least apat (4) na C-130 at ito lahat ay pwedeng lumipad sa umpisa. Nguni't ang ginagawa ng mga magiting na PAF leaders ay dalawa (2)lang ang pinapalipad na angkop sa yearly allocated flying time at ang dalawa naman ay kinakahuyan lamang ng mga piyesa (AIRCRAFT FOR CANNIBALIZATION).

Sa procurement papers ng aircraft spare parts ay lahat tama at legal kaya lumalabas na ang piyesang binili para sa flying operations ng dalawang eroplano ay lahat bago. Pero ang katotohanan ay marami sa mga piyesang iyon ay kinahoy lang mula sa nakaparadang [mga] eroplano.

So ang resulta ay ibinasura ang dalawang eroplano pagkalipas ng ilang taon kaya ito ang naging C-130 ninyo. Ang C-130 ng inyong dugo, pagod, at paghihirap.



PANG-MUSEUM BA ANG GANITONG EROPLANO?

(Pero bakit nagkaganito ang ating mga C-130? [shows video of grossly cannibalized inside of plane])

Maniniwala ba kayo na ang videong ito ay kuha ko galing sa eroplano sa museum? Museum ba kamo?

Kung ito nga ay galing sa Museum, eh di anong aral ng kabayanihan ng inyong mga opisyal ng Philippine Air Force ang maihatid natin sa bagong henerasyon ng mga Pilipino? Sa walang pakpak at binasurang mga eroplano.

Mahalaga pa ba iyan? Pera n'yo at pera nating lahat ang pinaglapastangan ng ilang mga opisyal ng Philippine Air Force. Kaya dapat lang na magpakisa tayo upang tigilan ang talamak na katiwalian.

Kaya magmula ngayon, ating i-demand na sa susunod na pagbagsak ng eroplano ng Philippine Air Force ay dapat na idaan sa masusi at publikong imbestigasyon para matapos na ang mga kurakot na mga opisyal ng Philippine Air Force. Titigil lamang tayo sa demand na ito kapag mangangako si Lt. Gen. Oscar Rabena na wala nang babagsak na eroplano ng Philippine Air Force sa loob ng limang taon.

Ito ang inyong lingkod, Capt. Joenel S. Pogoy, na nagsasabing ang patuloy nating pagpapakabulag sa garapalang katiwalian ng ating mga lider ang siyang tunay na sanhi sa patuloy nating pagkakalugmok sa matinding kahirapan.

Gising na, dakilang Pilipinas!



Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

No comments:

Post a Comment