SA MGA hindi pa nakakaalam, the American invasion/annexation of the Philippines was a RACIST war. Ininsulto, niyurakan ang ating pagkabansa, kultura, pagkatao, kakayanan, at pati histura. Para ano? Para sa MERKADO ng hilaw at yari nang produkto.
Kapal ng propaganda. Mas sibilisado pa nga tayo sa kanilang Kalbong Agila sila dahil bago pa man dumating ang mga Kastila, pantay na ang katayuan ng babae at lalaki sa ating bayan.
Pre-Spanish Philippine/Taga-Ilog society gave women the right to engage in commerce, equal rights as men, equal inheritance, and also the right to rule. Compare that to the U.S. which gave their women the right to vote only in the early 1900s and which deprived widows of inheritance as late as the 1800s.
Ang tunay na "barbaro," mabangis, at hindi sibilisado ay yung NAGKALAKAL ng TAO (slavery) at bumili/nagbenta ng isang buong arkipelago sampu nang mga naninirahan/may-ari nito (say, the immoral 1898 Treaty of Paris).
Hindi lamang yun. Nang pumalag ang mga Pilipinas/Taga-Ilog at naglunsad ng digmaan para sa ipaglabanan ang kalayaan, ang Estados Unidos ay gumamit ng umaatikabong panlilinlang, water cure torture, reconcentration camps, at iba pang barbarong paraan para magapi at mapasunod ang ating bayan.
In fairness, may mga Amerikanong tumuligsa sa polisiyang imperyalista nina McKinley at Roosevelt na makikita nga sa "Anti-Imperialist League." Ang kaso, ang nanaig ay ang kasamaan/kasakimang pang-kapitalismo o kung anuman.
Idinagdag nga pala ni barbarong Sen. Beveridge na "the Philippines is ours forever." Kaya siguro hanggang ngayon ay tila hindi sila mawala-wala sa lupaing Taga-Ilog.
Ang hindi niya sinabi ay ang katotohanang kahit ang Ehipto at Roma ay bumagsak din. Ang rasistang at mamamatay-para-sa-merkado na Kalbong Agilang ay mukhang pabagsak na....
No comments:
Post a Comment