Pages

Saturday, November 27, 2010

Si Gat Andres Bonifacio at ang Pagbuo ng PagkaBANSA

Halaw mula sa "Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas," ng katangi-tanging istoryador, antropologo, teoriko at pangunahing tagasulong ng Pantayong Pananaw na si Zeus A. Salazar


Panimula

Ang kasaysayan ng Pilipinas ay mahahati sa tatlong panahon o bahagi -- ang Pamayanan (h-k. 500,000/250,00 BK – 1588 MK), Bayan (1588 -1913) at Bansa (1913 - kasalukuyan).

Ang PAMAYANAN ay binubuo ng limang kabanata at tumatalakay sa paglitaw ng sinaunangpamayanang Pilipino, mula sa pagsulpot ng unang tao (h-k. 500,000/250,000-7,000/5,000 BK) sa kapuluan -- magdaan sa 1) pagdating at pamamalagi sa Pilipinas ng mga Austronesyano (h-k.7,000/5,000 BK h-k. 800 BK...

Nakatuon naman ang limang kabanata ng BAYAN sa pagkabuo ng estadong pangkapuluan sa batayan ng paglawak ng estado o sambayanan ng Maynila na sasaklaw bilang “estadong kolonyal” sa malaking bahagi ng kapuluan (hanggang 1896), habang nananatiling palaban dito ang nalalabing mgaestadong etniko (sambayanan) ng Tausog, Magindanaw at Maranaw, kasama na ang iba pang
“malalayang” grupong etnolingguwistiko (kabayanan) na taal sa Pilipino...

Photo art: JB
Masasabing magsisimula sa panahong ito ang pagkabuo ng kapuluan sa batayan ng pinalawak na dalumat ng “bayan” na pagdating ng panahon ay magkakaroon ng anyong pangkapuluan saadhikaing Inang Bayan ni Bonifacio. Nakaugat pa ang prosesong ito sa panahong Austronesyano;samantalang ang paglaganap ng ideyang Europeo/kanluranin ng “nación” ay lilitaw lamang sa panahonng “Bayang Pilipino: Katutubo at Banyaga” (1807-1861), bagay na magbibigay-daan sa pagkakahati ng lipunan sa dalawang magkatunggaling kalinangan, kamalayan at puwersang sosyo-pulitikal at pangekonomiya-- ang taal na bayan at ang inangkat mula sa Kanluran na nación (1861-1913). Dulot nito, magkakaroon ng magkaibang direksyong ekonomiko-pulitikal at panlipunan ang bagong kabuuangsosyo-pulitikal ng Kapilipinuhan sa pagsapit ng ika-20ng dantaon.

Sa agos ng panahon, masasaksihan ang pamaya’t mayang pagtutuos ng mga ito -- i.e., ng mga komunidad na “lumad” at ng mga estadong Muslim laban sa Kastila [Dayagram IV] --kaalinsabay ang paglawak ng dalumat at reyalidad ng Bayan sa loob mismo ng sistemang kolonyal, tungo sa paglitaw rito ng dalawang modelo o proyekto ng pagbubo ng “Bansa” [Dayagram VI]. Ang una ay ang “Inang Bayan” na nakaugat sa tradisyon ng bayan. Binibigyang halaga nito ang kapatiran, damayan, pantay na karapatan at ganap na kasarinlan. Ito ang siyang layuning pinanghawakan at kinasandigan ni Bonifacio at ng mga Anak ng Bayan sa panahon ng Himagsikan. Ang pangalawang proyekto ay ang nación/nasyon ng mga akulturadong elit na bilang mga “Filipinos” ay nakahulma sa kulturang/sibilisasyong Europeo/Kanluranin [Dayagram V].

XXXX
BAYAN

Ang Ikalawang Yugto ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan (1588 – 1913)

Sa ikalawang yugto ng kasaysayan ng Kapilipinuhan -- ang panahon ng Bayan (1588-1913) -- ang Pamayanan, bilang watak-watak na mga kabayanan, ay tutungo sa pagkabuo bilang isang Bayan sa anyo ng estadong pangkapuluan. Sa simula (1588-1663), makakaharap ng Sinaunang Pamayanan ang isang krisis: ang pagtatagpo ng mga estadong bayan o sambayanan sa isang dako at, sa kabilang dako, ng itatatag ng banyaga na estadong kolonyal sa batayan ng dating estadongbayan ng Maynila.

Sa pagsapit ng 1896, puputok ang Himagsikang pangungunahan ng Bayan. Nanumbalik ang tiwala sa sariling kakayahan na gagarantiya ng ganap na kaginhawahan at kalayaan ng lahat; ngunit sa pamamagitan ng kudeta ng Tejeros ng 22 Marso-10 Mayo 1897, aagawin ng paksyong maka-nación ni Aguinaldo ang pamumuno sa Himagsikan na magiging Revolución ng mga elit/elitista. Pansamantalang mapagsasanib ang dalawang tradisyon ng Bayan at nación. Sa pagtatapos ng yugtong ito, magtatagumpay ang simulaing pulitikal ng nación matapos ideklara ng pangkating Aguinaldo ang “independencia” ng “Filipinas.” Naitatag samakatuwid ang estadong nasyonal na malayo’t papalayo nang papalayo sa mithiin ng Inang Bayan nina Bonifacio [Dayagram V, pah. 28].

XXXX


Filipinos at mga Anak ng Bayan (1892 - 1896)

Isang katangian ng mga ilustrado ang kanilang kanluraning edukasyon. Sina Jose, Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Juan Luna pati na rin si Emilio Aguinaldo ay iilan sa mga Pilipinong nakapag-aral sa Europa.

Isa sa mga dulot ng kanilang pag-aaral ay ang pagkamulat sa nasyonalismo at liberalismo. Bumuo sina Rizal, Lopez at del Pilar ng grupo na tinawag ng repormista o propagandista. Humingi sila ng mga reporma sa pamamalakad ng mga Kastila sa pamamagitan ng La Solidaridad. Isa sa mga hinihiling nila ay maging probinsya ng Espanya ang Pilipinas. Hindi pinakinggan ang kanilang mga daing. Hiningi nilang sunod ang kasarinlan ng Pilipinas. Ninais ng mga ilustrado na bumuo ng isang nacion na nakabatay sa mga konsepto ng bansa sa Europa. Muli hindi sila pinakinggan. Nakasalubong din ng mga problema ang propaganda. Natigil sa kanilang paglilimbag dahil kakulangan ng pondo. Nadakip din ang kanilang kasapi na si Rizal at pinatapon sa Dapitan. Sa mga pangyayaring ito, humina ang balakin ng nación.

Si Andres Bonifacio naman ang bumuo sa isang himagsikan ng mga mamamayan. Ipinanganak siya sa Tondo noong Nobyembre 1863. Sa tulong ng Katipunan, pinalaganap ni Bonifacio ang konsepto ng bayan. Ibang iba ito sa konsepto ng nación ng mga ilustrado. Ito ay nakabatay sa pagbuo ng/kay Inang Bayan at pagtatag ng Haring Bayan (estadong bayan) para sa buong kapuluan (Republika ng Katagalugan). Sinasabing ang Inang Bayan ang dapat panggalingan ng pagbubuo dahil sa kanyang sinapupunan lamang nagkakaroon ng tunay na kabuuan. Sa ilalim ng iisang Inang Bayan, nagkakaroon ng kapatiran ng mga ito. Ginamit ni Bonifacio ang metapora ng mag-anak bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga bayan sa buong kapuluan at noong Hulyo 6, 1892, itinatag niya ang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).


Ipinaglabang Nación at Inang Bayan (1896 - 1901)

Nagsimula ang rebolusyong Pilipino noong taong 1896. Noong Agosto 24, sinalakay ng mga Katipunero ang Maynila. Naging matagumpay sila sa simula. Ngunit hindi ito nagtagal. Mayroong tatlong pinapalagay na dahilan kung bakit natalo ang himagsikan. Ang unang dahilan ay ang pakadiskubre ni Gobernador Blanco sa planong pagsalakay. Ikalawa, ipinatapon ang 500 sundalo sa Mindanao. Ang huling dahilan ay ang hindi pagdating ng grupo ni Heneral Aguinaldo na dapat ay dumating mula Cavite.





Sa kabila ng kanilang hindi pagtatagumpay, ipinagpatuloy ni Bonifacio ang paglalaban. Hindi pinalampas ng mga Kastila ang mga pangyayari na hindi gumaganti. Maraming Pilipino ang nadakip. Isa na dito si Rizal. Pinatay siya sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre noong 1896. Habang lahat na ito ay nangyayari, naiisip ng mga kasapi ng puwersang mula sa Cavite, na hindi ang pamamalakad ni Bonifacio ang nais nilang sundin. Nais nilang lumikha ng estadong nakabatay sa ginamit na estado ng mga Kastila. Sa pagitan ng 22 Marso at 10 Mayo 1897, sa Tejeros, nawala ang estado ni Bonifacio (Haring Bayan/Republika ng Katagalugan). Pagkatapos agawin ang kapangyarihan noong 22 Marso 1897, inutos ni Aguinaldo na hulihin si Bonifacio at ipapatay ito dahil sa nakita niyang magiging balakid si Bonifacio sa kanyang mga plano. Sa Bundok Buntis pinaslang ang Supremo noong Mayo 10, 1897.

Nakipagkasunduan si Aguinaldo sa mga Kastila sa Pakto ng Biak-na-Bato. Kasama sa kasunduang ito ang pagpapatapon kina Aguinaldo sa Hongkong. Sumunod dito ang digmaang Amerikano at Kastila. Sa “pangako” ng konsul na Amerikano na kikilalanin di-umano ang kalayaan ng Pilipinas sa sandaling mapaalis ang mga Kastila, sumama si Aguinaldo sa mga puwersa ni Admiral Dewey sa pagsalakay nito sa Maynila. Inokupa ito ng Amerikano at dahil di tinupad nito ang “pangako,” sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano at nadakip si Aguinaldo sa kanyang pinagtaguan noong 1901.

XXXX

__________

Pinagkunan:

Salazar, Zeus A. Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas. Lungsod ng Quezon. 2004 Disyembre. http://www.google.com.ph/url?sa=t&source=web&cd=9&ved=0CFMQFjAI&url=http%3A%2F%2Fimages.bagongkasaysayan.multiply.multiplycontent.com%2Fattachment%2F0%2FRvJZtwoKCsQAABfjrrM1%2FZeus%2520Salazar%2520-%2520Balangkas%2520ng%2520Kasaysayan%25202004.pdf%3Fnmid%3D55581663&ei=nBfwTKeUHIGgvgPo1qiHDg&usg=AFQjCNFY-7Ih-iNxGvjWhtjgIoebyl9cyA&sig2=zVIiGiBQyP0ap9pEjukt9Q
 


Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

1 comment:

  1. All the completed Bonifacio Series set:

    The HACKING of the SUPREMO, Unang Bahagi (Bonifacio Series VII). http://forthephilippines.blogspot.com/2012/05/hacking-of-supremo-unang-bahagi.html

    Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng 'Pilipinas': Setting the Historiographic Record Straight (Bonifacio Series VI)

    Mga Larawan at Sulatin ukol kay Supremo Andres Bonifacio (Bonifacio Series V). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/12/andres-bonifacio-unang-pangulo-ng.html

    Tragedy of the Katipunan (Bonifacio Series IV). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/05/tragedy-of-katipunan-assassination-cum.html

    The Devaluation of a Hero & Promotion of a Counter-Hero: Where's Andres Bonifacio in the 5 Peso Coin? Make it P2.00. (Bonifacio Series III). http://forthephilippines.blogspot.com/2010/01/devaluation-of-hero-promotion-of.html

    Andres Bonifacio's Tagalog Nation & Predictions of Global Warming (Bonifacio Series II). http://forthephilippines.blogspot.com/2009/05/bonifacios-taga-ilog-nation-predictions.html

    Gat Andres Bonifacio: The Anti-Colonial National Hero of the Philippines (Bonifacio Series I). http://forthephilippines.blogspot.com/2008/11/andres-anti-colonial-national-hero-of.html

    ReplyDelete