Pages

Wednesday, September 15, 2010

Mensahe ni Heneral Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Republika, sa pagbubukas ng Pambansang Kapulungan sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan, 15 Setyembre 1898

Mensahe ni Heneral Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Republika, sa pagbubukas ng Pambansang Kapulungan sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan, 15 Setyembre 1898

BUOD: Ipinahahayag ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang lubos na kagalakan sa pagbubukas ng Pambansang Kapulungan sa bayan ng Malolos, Bulacan at sa naging bunga ng digmang-bayan laban sa kolonyalismo ng Espanya. Ayon sa kanya, matagumpay na naitatag ng bayang Pilipino ang sariling hukbong sandatahan, pambansang kapulungan, at pamahalaan na pawang may mahahalagang gampanin tungo sa pagkamit ng pambansang kalayaan at kasarinlan. Nananawagan siya para sa pambansang pagkakaisa at hinihikayat ang sambayanang Pilipino na makipagtulungan sa Hukbong Rebolusyunaryo upang makamit ang kalayaan ng buong bansa.
    Isinulat ni Julius Cesar I. Trajano
    Inedit ni Raymund Arthur G. Abejo
Manga Guinoo:

Tua co'y lubhang malaqui na maihahalimbaua sa isang nasa Langit; ngayong namamalas niyaring mga mata ang daquilang catipunan ng mga bayaning magsasangalang sa capahamacan nang Inang Filipinas; at sa pananalaya ng bumugsong lugod sa aba cong catauohan, ay nauumid yaring dila na sumambit ng catagang salita.

Gayon may nagpipilit, upang maipatanto sa mga camahalan ninyo ang sa una't magpangayo'y sacbibi sa isip. Nacatulog tila ang nacacatulad co mula ng icatatlong puo't isa ng buan ng Agosto ng taong isang libo ualong daan at siyam na puo at anim hangang sa panahong ito, sa mayuming banig ng malaquing pag ibig sa Inang Filipinas at boong boo cong iniasa sa maauaing Langit ang gauang pagliligtas sa nasabing Ina sa pagcacaalipin sa duhaming castila; at ngayong maguising ay aquing namamalas ang daquila nating Kalayaan, na namulaclac nang masaganang bango, nag buco at catapustapusa'y namunga.

Pagbubukas ng Kongreso ng Malolos


Cayo nga't dili iba mga iguinagalang cong capatid na pangulong bayang Filipinas, ang masamiyong bulaclac, buco at bunga na aquing nabanguit; cayo nga't dili iba ang pinili nang matatapang, mahinahon at matiising mga anac nang bayan na inihatid dito na paua ring capatid nila at capatid co; cayo nga't dili iba ang magpipisan at magcacatipon dito't yayari nang ating catipunang panganganlang Sangunian (o Congreso) na siyang mag bibigay nang lubos na catibayan nang ating calayaang sinabi co na.

Dahil dito'y umaapao sa dibdib ang masimbuyong galac at siyang pinagbubuhatan ng mairog cong bati na salamat na ualang catapusan! salamat na inuulit ulit co sa iniyong camahalan at cayo'y nagloalhating dumating at dumulog ng boong nais sa paquiquilaquip sa Katipunang ito at cayo nga ang lubhang cailangan!

Sa ganitong paraa'y masasabi co na sa panahong ito'y natapus na ang ating panghihimagsic; ibig co bagang isaad, ay sa piling ng ating caquilaquilabot na Hocbo na mapagligtas na ualang caparis ng tapang at mapagtiis sa lahat ng cahirapan; ay namamalas na ng iba't ibang nacion ang marangal na Katipunan (Congreso) at mapagquiquilala nila mula sa panahong ito, na sa bayang Filipinas ay natatatag na ang Hocbo, Katipunan at Pamahalaan, (Ejercito, Congreso y Gobierno); tatlong bagay na inadhica nating lahat na pauang cuta ng catibayan; at ito rin naman ang aquing inadhica mula nang isaisip ang paglipol at pag-gunao sa capangyarihan nang castila dito sa ating mahalagang bayan.

Alam nga natin at nang sinomang nacababasa nang Historia nang una't sa panahon ngayon, na ualang capuluan o bayang guising sa dunong na di gumagamit nang nasabi cong tatlong bagay. Siya ngang natatanao ngayong panahong ito sa mga mararangal na naciong America, Francia at Inglaterra, na pauang nangungulo sa kalayaan, carunungan at cayamanan, dahil sa canilang pagcacaisang loob.

Datapua't nabubusog man ang aquing loob sa galac at catuaan, ay bumabahid din sa isip ang di masauatang panglao, na nangingilalim sa caibuturan ng puso, at ito'y dapat cong ipahayag sa inyong mga camahalan, na siya co ngang ipinanganganib.

Mga Pilipinong kawal na naghihintay ng pagdating ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Malolos, 13 Setiembre 1898

Mayroong patriota sa salita lamang: may roon din namang anexionista; ang bagay na ito'y malaquing casiraan sa ating Nacion; caya ipinamamanhic con magisang loob tayo, sa pagca't ang isang mapatiualag ay malaquing caculangan, lalong lalo na ang isang marunong na siya cong iguinagalang at ipinagmamalaqui sa mga extranjero. Mayroong marunong na ang caniyang carunungan ay ayao itulong dito sa Revolucion, cun di nagaantay pang tumahimic muna; at ito'y dahil sa carunungan. Maraming umuupasala sa Gobierno ng sabing hindi dapat; nguni't sila sana'y ucol dumamay dito sa mga mangmang, at huag pulaan: at huag pagpula ang canilang gamitin; sa pagca't ualang ibang magcacapatid cun di tayo-tayo rin. Mayroong ayao mag lingcod sa ating Gobierno cung ualang macatatapat ang caniyang capagalan; nguni't talastasin ng lahat na ang ating Gobierno'y batang bata pa na di mahahanapan agad ng maraming lacas, dapua't cailan ma'y di malilimutan ng bayan ang mga nag gugol ng pagod sa caniya at tuloy cacamtan nila ang icaliligayang higuit pa sa pinuhunang pagod.

Upang huag sapitin ang icapupula ng capua, lalong-lalo na ang mga extranjeros: ihalina cayo iguinagalang cong marurunong! acbayan natin at pag-tiisang pamulatin ang mga nabubulagan, halimbaua ma't ualang cargo oficial na tinataglay; hindi alang-alang cangino pa man, cun di sa mahalagang bayan at ninanasang calayaan!

Ang mga bagay na binanguit sa itaas ay huag isasaquit ng loob ng sino.pa man; sinabi co lamang yaon, sa pagca't may roon dao mangisa-ngisang gumagaui nang gayong bagay mayroon namang nangunguna pa sa ating Gobierno ng paghingi ng anexion. autonomia at iba pa; pabayaan natin sana ang nais ng bayan at sa canila tayo maquisama upang rnalubos ang catibayan, lisanin ang ugaling orgullo at favoritismo na itinuro sa atin ng castila at ang di pagcacaisang loob at iba pa.

Mayroong matatacuting labis na di magcasiya sa canilang sarili ang sa-riling pagcatacot at nanghihicayat pa sa iba at sinisira ang loob, lalo na ang ilan sa mayaman, dahil nga sa canilang cayamanan na di ibig ma-gambala, nguni't nagcacamali; cung ang canilang guinagaua ay linulubos ang pag-damay sa ating Gobierno, marahil ay macaaagap naman tayo ng lalong icalalacas, gaya nang mga armamentos sa guerra at iba pa, at cung ganito'y matatapus agad ang caguluhang hinaharap: caya ihalina cayong mayayaman dito sa Filipinas! damayan natin ang caauaauang caual na nagtangol ng bayan hangang sa huling tiboc ng caniyang buhay, na di inaalintana ang mapait na camatayan. Caauan na ninyo't cayo nga ang aming inaasahan at cung magcagayon ay, di malalaon at mapalala-yas nating agad-agad ang lahat na caauay. Lubos cong sinisisi, sa pagca't cun sa unang daco cayo'y dumamay disin, sa mga panahong ito'y nagtatapus na sana sa pule ng Bisayas at Mindanao, caya tayo'y magcusang magdalidali.

NA UICA CO NA



________

Source: 

Address of General Emilio Aguinaldo, President of the Republic, on the inaugural session of the National Assembly, 15 September 1898." in Laws of the First Philippine Republic. Manila: National Historical Institute, 1972. Pp. 207-209. In http://www.filipiniana.net/ArtifactView.do?artifactID=PRR001000011

Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

No comments:

Post a Comment