Pages

Tuesday, September 7, 2010

Ang DEKALOGO ni Gat Andres Bonifacio (with English translation)

Dekalogong sinulat ni Gat Andres Bonifacio


"KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN"


I - Ibigin mo ang Dios ng boong puso.

II - Pakatandaang lagi na ang tunay na pagibig sa Dios ay siya ring pagibig sa Tinubuan, at iyan din ang pagibig sa kapwa.

III - Itanim sa iyong puso na, ang tunay na kahalagahan ng puri ' t kaginhawahan ay ang ikaw ' y mamatay dahil sa ikaliligtas ng Inang-Bayan.

IV - Lahat ng iyong mabuting hangad ay magwawagi kapag ikaw ' y may hinahon, tiyaga, katwiran at pag-asa sa iyong inaasal at ginagawa.

V - Pagingatan mo, kapara ng pagiingat sa sariling puri, ang mga pasya at adhikain ng K.K.K.

VI - Katungkulan ng lahat na, ang nabibingit sa malaking kapahamakan sa pagtupad ng kanyang tungkulin ay iligtas sukdang ikapariwara ng sariling buhay at kayamanan.

VII - Ang kaugalian natin sa ating sarili at sa pagtupad ng ating tungkol ay siyang kukunang halimbawa ng ating kapwa.

VIII - Bahaginan mo ng iyong makakayanan ang sino mang mahirap at kapus-palad.

IX - Ang sipag sa paggawa na iyong ikabubuhay ay siyang tunay na sanhi ng pagibig, pagmamahal sa sarili, sa iyong asawa ' t mga anak, sa iyong kapatid at mga kababayan.

X - Parusahan ang sinomang masamang tao ' t taksil at purihin ang mabubuting gawa. Dapat mong paniwalaan na ang tinutungo ng K.K.K. ay mga biyaya ng Dios; na anopa ' t ang mga ninasa ng Inang-Bayan, ay mga nasain din ng Dios.

(salin ng nasa wikang Kastila, mula sa aklat ni Hermenegildo Cruz: “Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan.” Sa Kartilyang Makabayan . Manila: S.P., 1922. p. 62). 






Andres Bonifacio's "Decalogue"
(English translation by Jesusa Bernardo)


1. Love God with all your heart.

2. Implant it in your heart that the true love for God equates with true love for one's Land of Birth, which is also love for others.

3. Nurture it in your heart that the true value of honor and comfort is for you to die in defense of Motherland.

4. Your every good aim will meet triumph if you exercise composure, patience, reason and hope in your deeds and acts.

5. Take good care--as you do your honor--the mandates and aspirations of the K.K.K. (Highest, noblest brotherhood/sisterhood of the land).

6. It is the responsibility of all to help anyone in grave danger of reneging on his/her duty even at the risk of losing one's life and resources.

7. Our strength of will and our discipline in carrying out our duties will serve as examples to others.

8. Share what you can to anyone in need and less fortunate.

9. One's industry in his/her source of livelihood is the genuine source of love, of love of self, of your spouse and children, of your siblings and compatriot.

10. Punish anyone who's evil and traitorous and commend good works. Believe that the teachings of K.K.K. are graces from God; that what the Motherland aspires, are also the wishes of God.


__________



Sources:


Cruz, Hermenegildo. “Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan.” In Kartilyang Makabayan . Manila: S.P., 1922. P. 62. http://www.filipiniana.net/ArtifactView.do?artifactID=BKW000000015&query=null&page=62


Bernardo, Jesusa. Andres Bonifacio's Tagalog Nation & Predictions of Global Warming. 1 May 2009. Newsvine.com http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2009/05/10/2800625-andres-bonifacios-tagalog-nation-predictions-of-global-warming


Licencia de Creative Commons Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.

No comments:

Post a Comment