Pages

Monday, July 12, 2010

Sino si Gat Andres Bonifacio y de Castro?


(Excerpts from Filipiniana.net about Supremo Andres Bonifacio, Father of Philippine Revolution against Spain. Information is based on Hermenegildo Cruz work published in 1922.)


Kung Sino si Andres Bonifacio
Cruz, Hermenegildo. “Kung Sino si Andres Bonifacio.” In Kartilyang Makabayan . Manila: S.P., 1922. Pp. 11-13.

SUMMARY: Hermenegildo Cruz narrates the early life of Andres Bonifacio. He states that Bonifacio and his siblings were orphaned at an early age and that he supported his brothers and sisters by selling wooden canes and fans. Bonifacio is also employed by two foreign trading companies. Based on Cruz ' s narration, Bonifacio enjoys reading books such as the Bible, Los Miserables and others.


=KUNG SINO SI ANDRES BONIFACIO=


1.--= Sino si Andres Bonifacio? =--Siya ' y isang tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika 30 ng Nobyembre ng 1863 sa isang bahay na pawid sa pook na nasa sa harap ng himpilan ngayon ng pero-karil sa daang Azcarraga, Tundo, Maynila. Ang kanyang ama ' y nagngangalang Santiago Bonifacio na ang hanap-buhay ay sastre at ang kanyang ina nama ' y Catalina de Castro. Mga taal na taga Maynila.


2.--= Nagkaroon ba siya ng mga Kapatid? =--Apat: sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang dalawang una at itong huli ' y patay na at ang babae ay buhay pa. Ang babaeng ito ay siyang naging asawa ng nasirang bayaning si Teodoro Plata, isa sa mga masikhay na kasama ni Andres Bonifacio.


3.--= Ano ang kabuhayan ni Bonifacio? =--Ang kanyang mga magulang ay mga taong dukha kaya ' t siya nama ' y isang taong mahirap.


4.--= Ano ang kanyang napagaralan? =--Siya ' y nagaral sa paaralan ng gurong si G. Guillermo OsmeƱa, sa pook ng Meisik, Binundok (=Binondo), Maynila. Datapwa nang siya ' y tumutuntong na sa ika 14 na taon, ay namatay ang kanyang mga magulang at dahil dito ' y naputol ang kanyang pagaaral. Siya noo ' y maalam nang bumasa at sumulat ng wikang sarili (tagalog) at kastila.


5.--= Ano ang kanyang ginawa ng siya ' y maulila na? =--Upang siya ' y mabuhay at sampu ng kanyang mga kapatid, binatak ang sariling buto ' t siya ' y nagbili ng mga tungkod (baston) at mga pamaypay na papel na ginagawa niya sa loob ng kanilang bahay. Gayon din ang ginawang hanap-buhay ng kanyang mga kapatid.

Hango sa:



Akin lamang na idadagdag ang isang bagay:

6. --=Paano namatay si Supremo Andres Bonifacio?=--


Siya ay hinatulan ng kamatayan ng isang matatawag na "Kangaroo court" na binuo nila Kap. Emilio Aguinaldo na naging heneral at pinuno ng mga rebolusyonaryo pagkaraang maagaw niya ang pamumuno mula kay Gat Andres Bonifacio.

Halos inubos nila Aguinaldo ang angkan ni Bonifacio. Magkakasama noon ang Supremo at mga kapatid nitong lalaki palabas ng Cavite nang sila ay dukutin ng mga tauhan ni Aguinaldo. Namatay si Ciriano sa pagdukot na iyon; samantala, si Procopio at ang Supremo ay magkasamang pinaslang nila Hen. Lazaro Makapagal sa utos ni Hen. Aguinaldo sa isang bundok sa kanilang teritoryo. 


__________

6 comments:

  1. Noon pa pala uso ang coup de etat. Tsk tsk tsk....

    ReplyDelete
  2. The only sister of Gat Andres Bonifacio ay si Esperidiona and not the name mentioned on the blog.

    ReplyDelete
  3. maybe bonifacio's sisters had two names. this post is from Hermenegildo Cruz's book. link above. thanks for the visit.

    ReplyDelete
  4. Torvic and I are greatgrandchildren of Andres Bonifacio, we should know if Espiridiona had 2 names. And he had only 1 sister.

    ReplyDelete
  5. Torvic and I are greatgranchildren of Andres Bonifacio, we should know if Espiridiona had 2 names. And she was his only sister.

    ReplyDelete
  6. Really, Torvic? That is such an honor having you comment here. I'll try to check later as to how Mr. Cruz made the mistake. The book he wrote was published by a Bonifacio commemorative committee of sorts.

    ReplyDelete