Pages

Thursday, May 10, 2012

Si Bonifacio bilang Pinunong Militar

ni Dok Zeus Salazar
 

Apat ang magkakaugnay na kaisipan ang nabuo ng taal na katalinuhan o henyong pulitiko-militar ng Supremo ng Katipunan, gamit ang, at umaasa sa, sariling lakas at karanasannglahi sa pakikibaga-alalaumbaga:
1) Hindi sa paghihingi, o pagmamakaawaya na gawaran, ng reporma makakamtan ang kaligtasan ng lahi kundi sa isang himagsikang magpapalit sa mismong rehimeng kolonyal, isang paghihimagsik na mabilisang magpapatalsik sa banyaga sa pamamagitan ng pagpugot ng mismo ulo ng kapanyarihan...

2) Ang pagpugot sa ulo ng rehimeng kolonyal (o paggapi sa Maynila upang mapasakamay ito ng Katagalugan) ay sa pamamagitan ng sambayanan-i.e., pagsasama-sama ng mga bayan...

3) Sakaling "malaginlin" (mabigo) ito, may mga nakahanda nang mga mapag-aatrasa ang mga naghihimagsik - ang mga "real," ang naging katawagan sa dating mga "ilihan"...

4) Maramihan, ang mga real/ilihan ang siyang magiging lunsaran ng mga atake sa mga sentrong militar ng Kastila sa mga bayan hanggang sa Maynila mismo, baitang na matatawag na "gerilya" nguni't sa loob ng isang mas malawakang adhikain/istratehiyang....


 

Si Bonifacio bilang Pinunong Militar - akda ni Dok Zeus Salazar

....

 Reposts are licensed to the respective authors. Otherwise, posts by Jesusa Bernardo are licensed under Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.